Chapter 7

264 11 0
                                    

Audition

☻Angel☻

" Bakit ito ang napili mong kanta? "

" Masyadong malungkot ang kinanata mo bakit nalulungkot ka ba? "

" Tingin mo ba maiitindihan ka ng mga tao sa perfermance mo? "

Yan ang mga tanong sa akin ng mga judges... Tuloy tuloy yan ha!

Sige isusummarize ko na lang ang sagot ko...

" Una ito ang napili kong kanta dahil gusto ko ito as long as alam ng singer na feel niya ang kanta kantahin. Feel na feel ko nga yung pagkanta kaya kahit yung mga high notes nakukuha ko diba?! Pangalawa, oo nalulungkot ako halata naman sa tono ng kanta diba?! At pangatlo, ano ngayon kung hindi naiitindihan ng iba?! Aware ba kayo sa mga jpop lovers?! Tsaka may mga tao na rin naman na nag0aaral na ng hapon diba?! "

" Ah--- ano next na po ba tayo judges?! " Sabi ng club president with an innocent look on her face pa! Buw*set halata namang natatarayan siya sa akin e! 

" No! Take this card, you'll have a callback later ok! "

Kinuha ko yung card at lumabas. Pagkalabas nakita ng mga fellow clubmates ko ang card at mukhang shock sila :O 

" Bakit siya may card? "

" Baka nagdrop out siya sa audition?! "

" Baka filation of offenses yang hawak niya?! "

Hayaan niyo sila readers baka kayo rin magaya sa kanila ^_^

At dahil recess na at wala ako ng math and arts. Hayaan na! Matalino naman ako madali ko lang yan macacatch up! 

Lumalakad lang ako na nakatingin sa floor, nagugutom na kasi ako e, at natural saging lang ang dala kong pagkain. Pero kulang pa rin yun kasi hindi pa ako nagbrebreakfast! Habang nag-iisip ako ng makakain, biglang may humarang kamay sa akin at pagtingin ko si.... Michael?!

" Bakit?! "

" Kasi--- ano--- "

" Oo na sige na! Sasabihin ko na! Kaya ko naman pinaalis sa upuan yung matanda dahil snatcher siya pero tingin mo ba may maniniwala kung ipagsisigaw ko lang sa train na may matandang snatcher? E yung mukha ng matanda anghel kaya tingin mo may maniniwala sa akin?! Bakit ba napaka big deal ng mga ginagawa ko?! Masyado ba akong makasalanan sa paningin ng mga tao dito?! Nagpapakatotoo lang naman ako a! "

*GRRR~

Putik tong tiyan na to dapat hindi tunog ng tiyan ang lalabas dapat mga luha kaya imbis na umiyak ako naphawak na lang ako sa tiyan ko!

" Halika pasok ka dito, dito ka na lang kumain! "

" Ayoko nga! Mamaya may scandal na tayong dalawa patay ako sa gf mo at sa mga fans mo! "

" Hindi yan, kakausapin pa kita e! "

" Wag na ok! " 

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hatakin at ipasok sa loob ng Council room.

" Kamusta ang audition? "

" Ayos lang! "

" Wala ka ng 2 subjects, gusto mong malaman kung anong ginawa? "

" Ayos lang "

" O sige, kaninang Math nagkaroon lang ng review tungkol sa logs and function tapos kaninang arts may project tayo kung saan kailangan gumawa ng posters that symbolizes the students in our school."

" .... "

"Ito o pagkain, nagugutom ka na diba?! "

Kinuha ko yung pagkain at aba pizza pala miryenda nito at sa SNR pa galing?!

" Ang laki naman nito?! SNR pa baka yang tubig mo galing starbucks?! "

" Hahaha hindi galing lang yan fountain natin! "

" Ok I don't care! "

" Nga pala partner kita sa paggawa ng poster ano ang symbol na gusto mo? "

" Mag iisip pa ako! "

" Ang tipid mo naman magsalita! "

" Aalis na ako! "

" Teka sanda---"

" Michael?! "

Si Bianca! Anong ginagawa niya dito?!

Tiger Girl (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon