Chapter 22.2

266 3 0
                                    

First update for this year :)) I think 2013 will not be my year... Got bad luck 9 days straight!!! Felin' so depressed :(( But anyway, I think updating my wattpad account might help me to release these feelings of mine. Enjoy the next chapter :)))

☻Angel☻

Umaga nanaman!!! HUH! Ang sarap ng tulog ko kagabi!! Kaso wala namang panaginip!! Inayos ko na ang kama at pumunta ng banyo. Nag-toothbrush, nag-hilamos tapos naligo na ako. Pasukan nanaman kaya binilisan ko ang kilos ko. Labasan na kasi ng test results ngayon.

Pumunta na ako sa Kitchen house para kumain. 

" Young master, ano ba kasing kinain niyo, at ang sakit sakit ng ulo niyo? "

" Bakit anong nangyari sayo? " sabat ko sa usapan nila.

" Naku! Ang sakit daw po kasi ng ulo ni young master. Wala rin daw po siyang maalala kagabi."

" Hang-over?! Naglasing kaba?! "

" Mukha ba akong umiinom?! " tanong niya na nakakunot ang kaniyang noo.

☻ Michael☻

Pambihira!!! Ang sakit ng ulo ko!!! At ang masama pa, wala akong matandaan!! Wala naman akong ininom dahil hindi ako mahilig uminom kaya imposible talagang nakainom ako!!! Buong araw lang naman ako nasa loob ng bahay. Ano bang ginawa ko?!!

" Kumain ka na nga lang! Manang ikuha mo siya ng pakwan sa ref. " utos ni Angel kay manang

" Yung u----" 

*ting*

Naalala ko na ang nangyari kagabi....

<< Flashback>>

Ang tagal naman ni Angel!! 8 na wala pa siya!! Pumunta ako sa kwarto ko para matulog na lang. Pinatay ko na ang mga ilaw para makatulog na ako...

*pikit

*dilat

*pikit

*dilat

ANO BA YAN!! Hindi ako makatulog!!! Nasaan ba kasi yun?!! Baka naman nawala na siya!!! Sabi ni papa may pinakuha siyang package sa airport!! Kanina pang hapon yun e!! Nasaan na siya?! Gabi na oh!!! Anu ba yan bakit ko ba inaalala yung babaeng yun?!!! Gusto ko nga ba talaga siya?!!

AHHHHH!!!! HINDI PWEDE!!! May Bianca pa ako. Sa kanya lang ako. Ok! Matutulog na ako..

.

.

.

.

.

..

AHHHH!!! Hintayin na nga lang yung babaeng yun! 

Binuksan ko ang pinto ng makita ko ang ipad ko sa may mesa. E kung gamitin ko muna 'to habang naghihintay sa kanya. Tapos kukuha ako ng pagkain sa ref.

Kaya naman sumugod ako sa Kitchen house at kumuha ng makakain. Unang nakakuha ng attention ko ang mga fresh grapes. Seedless pa. Kaya kinuha ko at yun ang kinain ko. Tapos nun... wala nanaman ako maalala <<End>>

" UY!!! Ano yung sinasabi mo?! " pangugulat sa akin ni Angel

" Hu-huli kong kinain kagabi yung grapes sa ref. "

" Young master, inubos po niyo yung grapes? "

" Oo, ang sarap kasi e. "

Tiger Girl (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon