Chapter 24

249 4 0
                                    

☻ Michael☻

" Bakit ba bawal dun?! " tanong sa akin ni Adrian pagkatapos niyang umupo sa kama ko.

" Ah... Nandun kasi yung mga secret files ni papa. "

" Secret files pero may uniform ng babae!?"

" Ah... yun ba?! Nagkamali kasi ng kuha si Tiffany ng uniform. Pinalabhan namin tapos sa maling kwarto nailagay nung bagong maid. Sige kukunin ko muna. "

" Pero bakit may cellphone? Imposibleng sa inyo yun kasi ayaw niyo ng orange. "

" Na-napulot daw ni manang sa tapat ng bahay. Kanya yun baka naiwan. Kukunin ko lang din yun. Andun si Adrian sa Movie theatre puta ka muna dun. "

" TALAGA?!! Kala ko nagbago na 'tong bahay niyo. " 

Paalis na sana ako ng biglang may napansin si Adrian na mini box. Bigay yun sa akin ni Bianca.

" From B.B? Kay Bianca. Anong laman? "

" Music box. Yung sumasayaw diyan kamukha niya. Basahin mo yung letter. "

Kinuha niya sa box ang letter.

" Nasa Paris siya ngayon? Nanggaling din ako dun pero hindi ko siya nakita. OooH!! Babalik siya... Sa Sunday?!! "

" Oo. Kaya nga excited ako. " 

" Alam pre no offense ha. Mukhang hindi ka excited! Sawa ka na noh! "

" Hindi ah! Sige na pupunta ako sa kabilang kwarto. "

" Sige mag momovie marathon lang kami ni Red. Punta na ako ha. "

Umalis na si Adrian at pumunta naman ako sa kwarto ni Angel.

☻ Angel☻

Grabe ang tagal naman. Naiinip na ako. Ang init pa naman sa banyo.

" Angel. Labas na. "

Kung makautos kala mo boss!!!! 

" Ang tagal mo naman!!! "

" Sorry na. Naiinip ka noh?! "

" TINGIN MO?!!! AHHH!!! LABAS MAGBIBIHIS AKO!!! "

" Oh! Para hindi magasgas yang phone mo! " sabay labas ng kwarto.

Wow!! nagabala pa siyang bilhan ako ng case :))) Hmm... Ang bait ata niya?

______________ Next DAY______________

☻ Adirian ☻

" ANO NAUNA NA SI MICHAEL?! "

" Opo. May practice pa po kasi sila ni Ms. Tiffany para sa intrams. "

" Paano yan Adrian? " tanong ni Red sa akin.

" Papunta na daw yung secretary at yung magaayos ng kotse. "

Pansamantala, dahil iniwan kami ng magaling kong kaibigan, dito muna kmi ni Red sa guest room. Nag-iinternet. :)))

" Ah... yun ba?! Nagkamali kasi ng kuha si Tiffany ng uniform. Pinalabhan namin tapos sa maling kwarto nailagay nung bagong maid. Sige kukunin ko muna. "

Nakapagtataka lang naman. Imposible kasing mangyari na ibang uniform ang makukuha ni Tiffany dahil may ugalin O.C si Tiffany. Lahat ng gamit niya may pangalan niya. At hindi niya gagamitin ang mga gamit na hindi kanya. Kung alam ni Tiffany na hindi yun sa kanya hindi niya yun kukunin. Tsaka, payat si Tiffany, tapos mas mataba ng konti yung uniform dapat mararamdaman niya na maluwag sa kanya yung uniform. 

" Sir Red, Sir Adrian. Juice niyo po. "

" Thanks manang. " sagot ni Red.

" Manang. Nawawalan po ba kayo ng cellphone? "

" Naku sir, wala po akong cellphone. "

" Kayo lang po ba ang nag-iisang manang dito? Dito po ba kayo sa room house naka-assign? "

" Opo sir. Ako lang po ang nag-iisang manang dito. 18 years na po ako dito. Kaya ako po sa akin pinagkakatiwala ang room house. "

Sabi na e!!! May tinatago sa akin si Michael. " Na-napulot daw ni manang sa tapat ng bahay. Kanya yun baka naiwan. Kukunin ko lang din yun. Andun si Adrian sa Movie theatre puta ka muna dun. " Sino ngayon si P.A ???

" Manang sorry ha last na po ito. Sino po yung natutulog doon sa dulong kwarto? "

" Ahh. Siya po si Ms. Angel, kaklase po ni Michael. Secret lang po ito ha. Naka arranged po kasi ang kasal ng dalawang 'yan dahil sa utang. Ang saklap nga po e. Kasi si Young master may girlfriend, tapos si maam Angel may gusto rin po atang iba. "

" Thank you po manang. "

Umalis na si manang. Sinong Angel? Maraming Angel sa class ni Michael? P. Angel??

 " Red, may kilala ka bang Angel sa class ni Michael na ang surname ay nagsisimula sa P?"

" Angel??? Perez? "

" Good Morning sa inyong lahat representatives! Ito nga pala si Angel Perez siya ang head sa inyong lahat!"

Shit!! Siya nga ba yun?!!! Ma check nga yung kwarto ulit.

" UY ADRIAN SAAN KA PUPUNTA?! "

_________ School _____________

☻Angel☻

*spike*

Hu!! Buti naman dahil sa suplada kong coach nawala ang takot ko sa bola at naging hobby ko na rin ang volleyball. Ngayon, kasama na ako sa first six! :)))

" Good job Angel!!! Pag ikaw pumalpak bukas, wag ka ng magpakita pa!! "

" Mukha mo :))) " Himala medjo ka vibes ko 'tong caoch na ito :)))

Matanong nga si Tiffany kung may club ngayon? 

.

.

.

.

Teka yung cellphone ko?!!! Naiwan ko at sa bahay!!!! Kasi naman si Michael masyadong nagmamadali!!! Tatanungin ko na nga lang personally!!!

☻ Michael☻

Dahil gusto ko na hindi ako pinapawisan. Iniba ko ang napili kong sports. Chess na lang. May utak naman ako kaya ok lang yan.

AHY!! NAKALIMUTAN KO SABIHIN KAY ANGEL NA WALA SILANG CLUB MEETING NGAYON!! Matawagan nga.

*kring*

___________________

☻Adrian☻

*press the answer key*

" Hello Angel, sabi nga pala ni Tiffany wala daw kayong club ngayon. Ah... yung binigay ko sayo ginagamit mo ba? Binili ko yan dahil kamukha mo yan!!!! Gamitn mo ha!! "

*press the end key*

" Bibilhin mo yang lalagyan ng phone? Yung tiger pa talaga ang design?! " sabi ni Red.

" Cute kaya ng tiger, diba Adrian! "

" Alam pre no offense ha. Mukhang hindi ka excited! Sawa ka na noh! "

Traydor ka Michael!!!!

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now