FSBW XL

7.6K 129 3
                                    

Juno’s POV

“You should bow to the queen, idiot!”

Naistatwa ako sa aking nakita. Hindi, panaginip lang ang lahat ng ito. Nananaginip lamang ako.

“Aecy…” tanging naisambit ko. Hindi magagawa ni Aecy ito! She won’t do this!

Mukhang narinig niya ang ginawa kong pagtawag sa kanyang pangalan kung kaya’t lumingon sya sa gawi ko. Tinignan ko sya ng maigi, tila parang may nag-iba, hindi sya nag dating Aecy na nakasama namin noon. It’s a totally different person.

“My name is not Aecy…” she smirked at sa tingin ko ay nag-angatan lahat ng balahibo ko. Gone was the sweet smile. Gone was the joyful eyes she had back then. “I’m Majen, Majen Becquerel.” I suddenly feared her.

I'm still on the process of digesting what’s happening nang makita ko si Kean na naglalakad habang nakakapit sa kanyang braso ang traydor na si Madison. He was smiling while talking to her but when he averted his eyes, nawala ang ngiti nya at tila nawalan ito ng ekspresyon. He looked at us blankly, especially at me.

My brows are frowned as I asked him what was happening using my eyes but he just look away and look at Madison afterwards. Mayroon siyang sinabi pero hindi na iyon umabot sa aking pandinig. He looks happy, he didn’t look sick. He’s doing well! Shit. What is this! Is he betrayed us too?

“Aw, is that defeat that I am seeing on your eyes, Agent U?”  Macley said, mocking me.

I didn’t even bother to look at him. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Kean na ngayon ay nakikipaghalikan na kay Madison. I don’t know who initiated it, but the fact that he is responding, I know something is off. He wouldn’t do that specially in front of Aecy! He wouldn’t do something like this! No! This should not be happening!

Isang mabilis na galaw ang ginawa ni Z upang makatayo at suntukin si Aecy upang makuha ang baril nito pero hindi iyon nakaligtas sa mata ni Aecy. She quickly dodges it and able to make Z kneel again.

Inilabas ko ang baril na nasa likod ko pero bago ko pa man makalabit ang gatilyo nito ay biglang nagsalita si Aecy. “Put down your gun or your brother’s brain will scatter here? You choose.” Banta niya sa akin.

I immediately put my gun down and put my hands above my head. I just can’t let her kill my brother.

Madison laughed at ibinaling ang tingin kay Kean. “Let’s leave this to the Becquerels and enjoy our time together… inside your room, babe.” Malanding pahayag nya bago kinagat ang pang-ibaba nyang labi at himasin ang braso ni Kean.

I look at Kean’s expression and was shocked to see that he was smiling wide, with the desire shouting from his eyes.

“Let’s go.” Sabi nya bago binuhat si Madison gamit ang kanyang bisig na sya namang tumili at tumawa na akala mo’y kinikiliti. Mabilis naman na sunggaban ng halik ni Kean ang labi nito. Mabilis kong iniiwas ang tingin ko, saktong nabaling ito kay Aecy. I didn’t see anything in her eyes. Parang okay lang sa kanya ang ginagawa ng dalawa.

Ano bang nangyari bago pa kami dumating? What’s the meaning of this? Masyado ba kaming nahuli kung kaya’t madami ang nagbago?

Bigla akong nagbalik sa wisyo ng bigla kong marinig ang tawa ni Z. Kumunot ang noo ko dahil as time passes by, ibang Z na ang nakikita ko. Ganito ba talaga sya kapag nasa laban sya? Ibang iba ito sa ipinapakita nya sa amin ni Josh, lalong lalo na sa mga magulang namin.

“It looks like, you have turned him into a human-robot too, Macley.” He said while clapping slowly as he stands up. Aecy is still pointing her gun on him but he cares less. “You truly are amazing.” He said, full of sarcasm as he smirked, a devilish smirk.

“You see, I can make people happy using my intelligence and skills.” Mayabang na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha na sinundan nya pa ng pagkibit ng kanyang balikat. “Look how happy miss Beech is. Aren’t you thankful of me? I can make aid for people’s misery.” Dagdag nito.

“I would if only you can cure mine.” Z said. Ano bang sinasabi nya? What is his tactic this time?

“Well, that would be great!” masiglang sabi ng doctor habang tila nagniningning ang mga mata. Z smiled.

“May I know what’s your misery all about?” tanong nito na tila nakuha ang kanyang buong atensyon.

“You.” Z said and smirked before he immediately pulls out his gun and point it on Macley’s direction. “Are you willing to aid this misery of mine?” He said smiling.

“Put down your gun!” Hiyaw ni Aecy. Akamang kakalabitin nya ang gatilyo ng mabilis akong gumalaw upang sipain ang baril na nasa paanan ko at asintahin ang baril na hawak nya. Nabitawan nya ito at gulat na napatingin sa akin.

“Uh-uh, not my brother, lady.” Sabi ko bago mabilis na tumayo at itutok kay Aecy ang baril. “Move an inch and I’ll shoot you straight on your head.” Banta ko sa kanya. I don’t care if she was once my friend. All I need to do is end this chase.

I was about to take another step ng biglang may humampas sa akin mula sa likuran. Nang balingan ko ito ng tingin ay nakita kong ang isa sa mga robot-guards nakalaban namin kanina. He was looking at me as if he is ready to pound my bones.

“Let that robot touch my brother and I will kill this girl!” sabi ni Z bago ikinulong si Aecy gamit ang braso niya.

“It’s a game over.” Narinig kong usal ni Macley bago ako tamaan ng napakalas na suntok. Na sa sobrang lakas ay tumalsik ako at tumama ang likod ko sa pader.

I see blood.

I see blood slowly dropping down from my head. Sht, no. This is just blood. I won’t die. I won’t.

Nakaramdam ako ng kakaibang hilo. Hinahatak ako nito upang ipikit ang mga mata ko pero pinipigilan ko. I won’t die. I need to save Kean. I need to bring him home, alive.

Gamit ang natitirang lakas ko, I twisted the head of the robot kung kaya’t bumagsak siya sa sahig.

I smiled at Jero who is still taking Aecy as his hostage.

I manage to stand straight and keep my eyes open sa kabila ng sobrang hilo na aking nararamdaman. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mabilis na paggalaw na ginawa ni Aecy upang makawala mula sa hawak ni Jero. Mabilis nya itong binigyan ng malakas na head kick na hindi na nagawa pang ilagan ni Jero dahil nasa akin ang mga mata niya, nakatitig sa akin at puno ng pag-aalala.

Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko I manage to nod while smiling to assure him that it’s okay, that I am okay. That he doesn’t need to worry about me, that I’m happy to fight with him…

until my last breath…

---

A/N: Maraming typo hahaha sorry! Sana mai-update ko yung next part nito sa Monday! Wabwab royalties! 💓

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon