FSBW XXX

11.4K 187 18
                                    

Someone’s POV

“Get your fucking asses ready.” I said as I placed the plan on the table together with the things we needed to make this another step a success.

“Lagi kaming handa.” He said smirking before puffing his cigarette.

“Don’t be too boastful dahil kapag pumalpak tayo rito, we will lose a big chance to make this work easier.” I said as I started putting the contact lenses which has a specified function, to get a look at the secrets behind their company.

“I know, I know.” He said surrendering his hands on the air. “Pero maitanong ko lang, are you really this dedicated on this task or mayroon kang ibang hidden agenda?” he asked me, eyebrows wiggling, teasing.

I just rolled my eyes and disregard his question. “Stop babbling nonsense and get focus to work.” I said as I put the earrings that is made intentionally to record the conversation that I will have later.

“Eto na, eto na. Kahit kailan ka talaga!” he said as he pouted his lips with disbelief written all over his face.

He seated right in front of his computer and all of a sudden shouted. “AAAAAAHHHH!!”

My eyes widen in shock before my eyebrows frowned as I walk through his direction. “What the hell happened?” I asked, nervous.

“Wala naman, napagtanto ko lang na pwede pala akong maging artista.” He said while looking straight into my eyes before pointing at his computer.

“What the fuck??” I murmured in disbelief after seeing him screen capture his face from the video captured by the contact lenses I’m wearing. I almost hit his head kung hindi lang ako nakapagpigil.

I raised my middle finger in front of his face before turning my back to him.

“I just wasted a minute of my precious time to you, dork.” I said as I walk out from the room. “Do your job, I do mine.” I said before shutting the door close.

---

Kean's POV 

I woke up feeling dizzy. Masakit ang ulo ko pati narin ang katawan ko. Tila parang binibiyak ang ulo ko, parang hang-over mula sa magdamag na pag-inom.

Wala sa loob na na napahawak ako sa aking leeg habang nakapikit parin bago dinama ang parte ng leeg ko kung saan itinurok ang syringe. Ano ba kasing nangyari?

Iminulat ko ang aking mata para lamang muling ipikit dahil sa sobrang liwanag na tumama dito.

Shit, nasaan ako?

Iniharang ko ang aking braso sa tapat ng aking mga mata bago ito iminulat muli.

As I roamed my eyes around, napansin ko ang kulay puting pader. Lahat kulay puti, walang kahit na ano, ni maski bintana o pinto. Tanging ang mga bilog na ilaw lamang sa aking itaas ang aking nakikita.

Nang tignan ko ang aking sarili ay halos mawalan ako ng kulay dahil sa gulat na dala ng kahubaran ko.

What the fuck? Pinagsamantalahan ba nila ako?!

Sinubukan kong maupo mula sa pagkakahiga para sana alamin kung nasaan ako pero parang naalog ang lahat ng maaalog sa ulo ko dahil tumama ang noo ko sa kung ano mang nakaharang sa itaas ko na sya ngayong naglilimita sa aking pagkilos. Asar na hinilot ko ang noo kong sa tingin ko ay tutubuan ng malaking bukol pamaya-maya lamang.

Sinubukan kong hawakan at damahin ang bagay na iyon at makalipas nga lamang ng ilang paghaplos rito ay napagtanto kong isa itong makapal na salamin. Isang transparent na salamin kung saan nakikita ko kung ano ang nasa labas ng kinahihigaan ko ngayon.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now