FSBW XXIV

13.5K 280 12
                                    

Kean's POV

"AECY!" hiyaw ko bago nanakbo papunta sa lugar kung saan sya nahulog.

Ang lahat ay nagulantang at hindi malaman kung ano ang gagawin. Mababakas sa kanilang mukha ang labis na pag-aalala.

"Aecy!" Dahil mas malapit si Adam ay agad syang nakarating doon. Aalisin nya na sana ang bag na nakasukbit sa kanya ngunit iniharang ko ang aking braso bago inihubad ang bag na pasan ko bago yumuko upang silipin ang lagay ni Aecy.

"Kean! Huwag, baka malaglag ka." Pigil ni Madison. "Hayaan mo nalang sya!" Dagdag nya pa.

Ibig ko syang murahin dahil sa sinabi nya. Pabayaan? Sinong gago ang hahayaan ang girlfriend nya sa bangin?

"Nag-iisip ka ba?" Si Juno ang nagsalita. "Ah, oo. Nag-iisip ka ng pansarili mo lang." Ngumisi si Juno habang nakatingin kay Madi. "Kean ano? Tutunganga ka nalang dyan? Puta si Aecy nalaglag!" untag nya sa akin kung kaya't dali dali kong sinipat ang kinalaglagan nya.

"Aecy!" Hiyaw ko bago walang ligoy ligoy na nagpadausdos pababa. Dahan dahan lamang dahil sinusukat ko ang taas nito at baka kung hindi ako magdadahan dahan ay madaganan ko si Aecy sa ibaba.

"Kean! Putangna. Ang gago. Shet." Padyak ni Adam sa itaas.

"Ano? Nakita mo na ba sya?" Si Winston ang nagsalita. Mababakas sa kanyang boses ang matinding pag-aalala.

Hindi ako sumagot at mas itinuon ang atensyon ko sa dahan dahang pagdausdos habang hawak ang mga damo para di ako magdirediretsyo.

"Tumawag na kaya tayo ng tulong kesa nakatayo tayo rine." Suhestyon ni Gael.

Nagpatuloy lang ako sa pagababa. Sobrang taas pala nito. Putsya. Ano na kayang nangyari Kay Aecy sa ibaba.

"Osige, Adam halika. Kambal maiwan kayo rine kasama si Kyle para kung sakali na magpatulong si Kean. Gael, Adam, tara." Narinig kong usal ni Winston.

"E anong gagawin ko dito? Duh ang init kaya." Sabi ni Madison.

"Anak ng putang ina naman Madison! Kanina ka pa ah! Nababanas na ako sayo!" Si Juno ang nagsalita. "Tumahimik ka nalang kase wala namang naitutulong yang birada mo! Kung mainit, sumama ka na sa kanila pababa." Frustrated na usal ni Juno.

"Stop it Uno! Bakit ba galit na galit ka kay Madison ha?" Rinig ko ang galit na boses ni Kyle.

"Ano ba! Ngayon pa ba kayo mag-aaway ha? Juno? Kyle?" Pumapagitnang sabi ni Josh.

Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil nang ibaba ko ang aking paningin ay nakita ko si Aecy na nakahiga sa damuhan. Parang naging tahimik ang lahat at parang biglang nagslow motion ang lahat. Pumikit ako ng mariin at madali akong bumitaw sa damuhan at inalalayan ang aking sarili sa pagbaba.

Mabuti na lang at may medyo malawak na lupa kung kaya't hindi nagtuloy-tuloy sa pagbagsak sa bundok si Aecy. Ngunit, hindi ko parin maiwasan ang mag-alala dahil may kataasan rin ang kanyang kinabagsakan.

"Aecy." Kalmadong pagtawag ko sa kanya, pilit pinapakalma ang aking sarili. Tinapik tapik ko ng mahina ang kanyang pisngi at inulit ang pagtawag sa kanyang pangalan.

May mga galos siya sa pisngi pati na sa mga braso at siko. Nang pakasuriin ko pa sya ay nakita kong mayroon din syang galos sa hita at binti pati narin sa kanyabg tuhod. Namumula ang mga ito at nagsisimula nang magdugo.

"Aecy..." Pag-uulit ko.

"Kean! Ano nang nangyari dyan?" Rinig kong hiyaw ni Juno.

"Nakita mo na ba si Aecy?" Si Josh ang nagsalita.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now