FSBW X

38.4K 556 8
                                    

Kean's POV

Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng tuwalya ang iba bang bahagi ng katawan ko. Basa pa ang buhok ko at may mangilan-ngilang butil ng tubig ang pumapatak mula rito at bumabagsak pababa sa katawan ko.

Lumapit ako sa drawer at maghanap ng tuwalya na maaari kong ipamunas sa buhok ko. Isang puti at medyo may kaliitang tuwalya ang nakita ko, sakto lang para mapunasan ang buhok ko.

Sinimulan kong punasan ang buhok at nang natuyo ito ng kaunti ay isinampay ko ang tuwalya sa ulo ko. Mukha akong madre, magandang lalaki ng madre. Hahaha.

Kumuha ako ng boxer shorts at saka ito sinuot. Lumakad naman ako papunta sa banyo upang isinampay ang tuwalya sa sabitan na naroroon.

Bago lumabas ng banyo ay napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Medyo humahaba na rin ang buhok ko ngunit hindi naman nito naapektuhan ang itsura ko.

'Gwapo parin.' Iiling-iling na sabi ko sa isip ko. Ipinilig ko pakanan ang mukha ko at tinignan ang repleksyon ko dito.

'Matangos parin ang ilong ko.' Nakangising humarap ako sa salamin.  Makinis at maputing mukha, walang kapimples pimples. May kakapalang kilay pero sa halip na makapangit ay mas nakapagbigay ito ng kakaibang dating. Tsk. Inalis ko ang tuwalya sa ulo ko at isinabit ito sa balikat ko bago sinuklay ang buhok ko paitaas atsaka kinidatan ang sarili ko.

"Gwapo mo Keither." Naiusal ko at saka natawa ng bahagya.

Hindi naman ako katulad nung iba na naghihimutok ang abdominal muscle. Wala akong abs pero hindi rin naman ako mabilbil. Tipong saktong flat lang sya. May maninipis na balahibo naman sa itaas at baba ng pusod ko na syang nagtuloy tuloy na sa pribadong parte ng katawan ko.

Ngingisi ngisi akong lumabas ng banyo at napatinggin sa magandang babae na nakahimlay sa kama ko. Hindi ko maiwasang mangiti dahil ang swerte ko dahil ako ang nauna sa pagbili kay Aecy.

Yumuko ako upang halikan sya sa labi bago suklayin ang buhok nya.

'Ang ganda nya talaga.' Sa isip ko na may ngiti sa labi habang nakatingala sa kisame ng kwarto ko.

Bago pa man muling may magalit ay nagdesisyon akong tumabi sa kanya upang matulog. Inilagay ko ang ulo nya upang ang bisig ko ang syang maging unang nya bago sya niyakap ng napakahigpit.

Kinabukasan...

Pupungas pungas kong idinilat ang mga mata ko atsaka napangiti dahil ang sarap kayakap ni Aecy.

Napatinggin ako sa orasan sa bed side table sa tabi nya at nakitang mag-aalas otso na ng umaga.

Dahan dahan kong inialis ang pagkaka-unan sa akin ni Aecy at saka tumayo upang tignan kung maayos ba syang naicharge. Sa walong oras na maximum limit para magcharge sya at alas dos--- sabihin na nating alas dose kinse ko syang naikonekta sa electric socket at mag-aalas otso ng umaga ay malapit na nyang mameet ang dapat na tagal ng pagkalacharge nya.

Napatinggin ako sa cord na patuloy sa pagpapalit palit ng kulay. Ngunit, hindi katulad kagabi na ang buong cord ang umiilaw, ngayon ay halos 3 inches nalang ng cord ang nagpapalit palit ng kulay at ang iba ang permanenteng kulay itim na.

'Hmm, siguro kapag nag kulay itim na ang buong cord ay marahil fully charge na ulit sya.' Sa isip ko.

Hindi na ako nag-abala na magsuot ng damit dahil hindi talaga ako sanay na mayroon nito.

Dumiretsyo ako sa kusina para sana maghanap ng maaring mailuto ko, yun bang pirituhin katulad ng nakasanayan kong kaninin sa umaga.

Bago makalapit sa ref ay napansin ko ang lababo kung saan naroroon parin ang pinggan at mga basa na hinuhugasan ni Aecy kagabi bago ako kinain ng libog ko.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon