FSBW VII

44.7K 704 18
                                    

Kean's POV

I reached home early. It's six o'clock in the evening. I consider it early dahil dati ang usual na uwi ko ay between 9 to 11pm. Kung minsan pa, 4am na kapag galing ako sa bar ni Adam.

I was in the middle of entering my unit's passcode when it suddenly opened.

Bumungad sa akin ang isang anghel na nakasuot ng puting bestida na umaabot sa itaas ng kanyang tuhod, showing me her white creamy legs. Ang kanyang kulot na buhok ay nakatali ng isa sa tutok at may ilang hibla na naiwan sa gilid nito. She's still beautiful kahit na may ilang butil ng pawis sa kanyang noo. In fact, parang ang sarap nyang amuyin.

She smiled at me and greeted me good evening bago buksan ang pinto upang maka pasok ako.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya bago dumiretsyo sa sala, getting myself a comfortable state by sitting down.

Aalisin ko na sana ang sapatos ko ng bigla syang lumuhod sa harap ko at sya na ang nag-alis ng mga ito. "Kamusta ang araw mo?" Tanong niya sa akin habang minamasahe ang mga paa kong nasa center table.

"Ayos naman." Ngumiti ito sa akin at humarap. "Mabuti naman." Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at yumuko upang abutin ang black corporate suit na suot ko.

Sa gulat ay napa-atras ako na sya namang pag-abante nya. "Hindi ba masyadong maaga para dito huh? Ngumiwi ako habang inaalis ang mga kamay nya sa damit ko.

Hindi sya nagpatinag at sumampa pa sa sofa upang maabot ako. Shit. Bakit ba ako nagpapahard to get? Eto naman yung gusto ko diba?

Ang sarap batukan ng sarili ko. Tangna.

Sa kaka usog ko ay hindi ko napansin na nacorner nya na ako. Pilit ko parin inaalis ang mga kamay nya ngunit Wala na akong nagawa ng salakayan niya ako at umupo sa mga hita ko. 

"Wag ka kasing magulo, huhubarin lang naman natin e." Bulong nya malapit sa mga tenga ko.

I literally got a hard on dahil sa pagtama ng hininga nya sa punong tenga ko. Shit.

Nagpa-ubaya na ako sa kanya at hinayaan syang hubarin ang coat ko.

Ganito ba ang epekto ko sa kanya? Lagi syang wild kahit na hindi naman sya nakaset para maging ganon?

Nasa isang masinsinang pahlalakbay na ang aking isipan ng sa aking panghihinayang ay bigla syang tumayo mula sa pagkaka-upo sa akin at tumayo ng diretsyo sa harap ko.

"Isasabit ko na ito, maligo ka na para makakain na tayo." Sabi niya bago yumuko upang kuhanin ang sapatos na kanina lang ay inihubad nya sa paa ko. Bago umalis ay ngumiti muna sya sa akin.

Shit. I need a cold shower.

---

Katatapos ko lamang maligo at yeah, kasama ko si maryang palad habang iniisip si Aecy. Shit kase. Umuurong yung lakas ng loob ko para tugunan tong libog na nararamdaman ko kapag nakikita ko na ang mala anghel na mukha niya.

Kasalukuyan akong nagsusuot ng boxer shorts ng may marinig akong kumakatok kasabay ng mala anghel na boses na tumatawag sa pangalan ko.

Minadali ko ang pagsusuot nito upang mabuksan ang pinto. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng damit pang itaas dahil hindi ako sanay na may suot na damit lalo na kapag nandito ako sa unit ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo si Aecy sa pinto, still wearing my shirt and boxer shorts. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa katawan ko.

"Bakit?" Kunit noong tanong ko. "Para kang nakakita ng multo a."

Nagulat ako ng bigla nya akong batukan. Yung sobrang lakas na muntik na akong masubsob sa sahig.

Tangna ano bang problema nito?

Sira na kaagad sya? I should call MAC now!

Nahinto ako sa balak ko ng bigla syang magsalita.

"Magdamit ka nga! Nakabukas yang aircon tapos maglalakad ka dito ng nakaganyan lang? Gusto mo bang magkapulmunya ha?" Sabi niya bago mag-cross arms sa harap ko.

"Pumasok ka don at magsuot ka ng damit!" Pumalatak pa sya bago tumalikod at kumekendeng na lumakad paalis sa harap ko.

"Bilisan mo. Lalamig ang pagkain." Narinig kong sabi nya mula sa kung saan.

She sounded like Mama.

Shit. Ano ba itong napili kong microchip? Aish.

---

Naka-upo na ako ngayon sa kitchen stool kaharap si Aecy. She is silently eating her food na sya rin ang nagluto. Well, masasabi kong parang high class na chef ang nagluto nito dahil kahit simpleng adobo lang ito ay nagawa nyang mapasarap. Pati na yung manok ay tama lang ang lambot. Hindi matigas at hindi rin naman sobrang lambot.

Hindi ako kumakain, pinagmamasdan ko lang sya. Robot ba talaga to?

Sumulyap siya sa akin bago ibalik ulit ang kanyang atensyon sa pagkain. "Bakit hindi ka kumakain?" Nag-angat ito ng tingin. "Hindi mo ba nagustuhan?" Parang disappointed na wika niya.

Hindi na ako sumagot sa halip ay sumubo na ako ng sumubo ng kanin kasama ng ulam na niluto nya hanggang sa mapuno ang bibig ko. Umiling ako sa kanya at nagtry magsalita.

"Hmm ahng sxjrapx ngaw eh." Dahil sa gulat ng pagbalibag nya ng kutsara sa mukha ko ay nalunok ko lahat ng nasa bibig ko kung kaya't nabulunan ako.

Parang tanga na nagmumuwestra ako sa kanya ng tubig pero hindi nya ako pinapansin. Nakatitig lang sya sa akin. Umirap sya bago dahan dahang tumayo at pumunta sa ref. Halos hindi na ako makahinga dahil sa nakabarang pagkain sa lalamunan ko pero yung galawan nya ay dahan dahan na tila naka-slow mo.

Putangna ayoko pang mamatay kung kaya't tumayo na ako at ako na ang kumuha ng tubig sa ref. Hindi na ako nag-abala pang kinuha ng baso at tinunga nalang ang pitsel na may lamang tubig.

"Hah!" Nilapag ko ang pitsel sa lamesa bago punasan ang bibig ko. Nabasa tuloy yung damit ko. Asar naman o. Tsk.

"Bakit ba ang bagal mong gumalaw?! Muntik na akong mamatay pero parang wala lang sayo!!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw dahil tangna nasa life and death situation na ako kanina.

Nagulat ako ng bigla nyang isarado ang ref na halos maalog na lahat ng laman nito sa loob at ihampas sa ulo ko ang tinidor na hindi ko alam kung saan nya nakuha.

"Wag kang magsasalita ng puno ang bibig!" Sabi nya bago ako hampasin ulit nang tinidor. Fuck. Bakit ba nagpapa-under ako sa babaeng to?

"BAKIT BA HAMPAS KA NG HAMPAS?!" Ganting sigaw ko. Konti nalang mapupuno na ako ha.

"KASALANAN MO! KUNG HI---" hindi na nya maituloy ang sasabihin nya dahil sinakop na ng aking mga labi ang kanyang labi.

Hindi man nagtagal ay pinakawalan ko rin siya ngunit ng makita kong magsasalita syang muli ay hinawakan ko na ang kanyang batok at siniil siya ng makapugtong hiningang halik.

Noong una ay hindi sya tumutungon ngunit di rin nagtagal ay naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga labi.

Bago pa lumalim ang halik na pinagsasaluhan namin ay ako na ang unang bumitaw. Gusto ko pang kumain ng luto nya dahil matagal tagal narin akong hindi naka kakain ng lutong bahay dito sa unit ko kung kaya't bumalik na ako sa pwesto ko at nagsimula na muling kumain.

"Isang beses pang sigawan mo ako, mararanasan mong sumigaw sa parusa ko habang nasa ilalim kita." I smirked. "Tara na, kumain na ulit tayo." Ngumiti ako sa kanya na tila walang nangyari bago sumubong muli ng pagkain inihanda nya para pagsaluhan namin.

So this is her as a wife huh?

--

A/N: Regalo ko sa inyo! Ang bilis kase ng pagdami ng reads. Salamat sa mga nagvo-vote at nag-aadd nitong story ko sa library at maski sa mga reading lists nyo. Gomawoyo guysue~

Hi! @AmaranzanoWp eto na yung request mo. Hihi.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon