FSBW XXV

14.5K 279 14
                                    

Kean's POV
Hindi ko kaagad inilabas si Aecy sa CR dahil paniguradong mag-aalala ang mga kasama namin lalo pa at wala siyang malay tao. Iniupo ko siya sa bowl habang inaalalayan ang kanyang balikat upang hindi sya matumba. Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi upang ibalik ang kanyang kamalayan.

"Hey," pagtawag ko sa kanya habang patuloy sa pagtapik ng kanyang pisngi.

Nang ibaba ko ang aking paningin ay naalala ko na nakabukas nga pala ang microchip socket na nasa ilalaim ng kanyang balikat kung kaya't agad kong isinarado ito. Ano kaya ang nangyari? Bakit biglang bumukas ang socket?

Narinig kong nagclick ito kung kaya't hinintay ko na bumukas ang kanyang mga mata katulad ng usual na reaksyon nya sa tuwing kakabitan ko siya ng bagong microchip.

"Kean, ano nang nangyayari dyan?" narinig kong tanong ni Kyle matapos ang tatlong mahihinang katok sa pintuan ng banyo.

"Wala, saglit lang lalabas na rin kami." Sagot ko nalang kesa naman makita nila ang kalagayan ni Aecy ngayon. Mahirap na lalo pa at may mga weird na bagay na nangyayari sa kanya ngayon.

Hindi naman na nagsalita si Kyle kung kaya't muli kong pinagtuunan ng pansin si Aecy na hanggang ngayon ay hindi parin nagmumulat ng kanyang mga mata.

"Shit, shit, shit." Mahinang pagmumura ko bago binukasang muli ang microchip socket na nakakabit sa kanya. Hindi ko rin naman na pinagtagal pa ang pagkakabukas nito at isinarado agad.
Hindi ko alam ang gagawin ng ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi parin nagbubukas ang kanyang mga mata. Bubuksan ko pa sanang muli ang microchip socket ng biglang bumukas ang kanyang mga mata.

"Anong ginagawa natin dito, Kiki?" mabining tanong nya habang nakatingala sa akin.

"Sumuka ka, hindi mo ba natatandaan?" tanong ko sa kanya, naguguluhan.

"Huh? Bakit naman ako susuka?" kunot noong tanong niya sa akin.

"Kase nasusuka ka?" balik tanong ko naman.

Nagulat ako ng bigla nya akong hampasin sa tagiliran. "Para saan yon?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak ang tagiliran kong hinampas nya at umaktong sobrang nasaktan.

Hinampas nya akong muli sa tagiliran pero this time ay hindi lang basta hampas, may kasama rin iyong kurot kung kaya't napahiyaw ako. "A-RAY!" sabi ko bago lumayo sa kanya at hilutin ang parte ng katawan ko na kinurot nya. "Bakit ka ba nangungurot?" hiyaw ko sa kanya. Eto nanaman siya sa pagiging sadista nya na syang kinakainis ko.

"Paki mo ba ha?" malditang sagot nya naman.

"Syempre katawan ko to e!" sabi ko naman sa kanya.

"Hoy! Masikip dyan. Sabihin nyo lang, lalabas naman kami e." narinig kong hiyaw ni Adam na sya namang ginatungan ng kambal.
"Gago!" sabi ko kay Adam pero nagulat ako ng batukan ako ni Aecy. "Putangna!"

"Minumura mo ako?" tanong ni Aecy habang nakaekis ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Ano? Minumura? Sino? Ikaw? Hindi ah!" sigaw ko dahil nakakatarantang way niya ng pagtatanong.

Hahampasin nya sana akong muli ng hawakan ko ang kanyang palapulsuhan at hilahin sya payakap sa akin. "Isa pang hampas makakatikim ka sa akin kahit na nadyan sa labas ang barkada." Bulong ko sa kanya bago sya pakawalan mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Anong makakatikim bro? Anong titikman ni Aecy?" narinig ko ang makulit na boses ni Juno sa labas ng pinto. Shit. Napalakas yata.

"Oo nga, anong titikman? Pwedeng patikim rin?" rinig kong usal naman ni Gael.

Nang tapunan ko ng tingin si Aecy ay nakita ko ang pamumula ng buo niyang mukha at ang akmang paghampas nanaman niya sa akin.

Kinindatan ko sya at nginisihan bago inilahad ang aking braso at mga kamay. "Hit me, baby." Sabi ko habang hindi nawawala ang ngisi na nakapaskil sa aking labi. "Hit me if you can." Dagdag ko pa.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now