FSBW XVIII

20.9K 336 11
                                    

Kean's POV

"I'll go straight to the point." Nakangiting pahayag nya. "We have done a lot of experiments para mas mapaganda at ma-improve pa lalo ang service ng masterpiece namin." Tatango tango naman ako habang nakikinig sa kanya.

"And, after a year long tests and revisions, we come up to a very satisfying and great experiment." Nakangiting pahayag nya bago binuksan ang cabinet ng table nya at maglabas ng box, kahalintulad ito ng lalagyanan ng microchips sa bahay. Ang pinagka-iba lang ay mas maliit ito.

Kasabay ng pagbukas nya ng box ay isinantinig nya... "I'm here to propose to you our crystal microchips."

Crystal microchips?

Napatitig ako sa laman ng box na nasa table. Makikita ron ang tatlong microchips. Kasing laki lang ito ng mga nasa bahay. Purong mga kulay itim.

"You can see here three microchips." Inilapit nya pa sa akin ang box. "Feel free, you can touch them." Tumawa siya ng bahagya. "It's yours actually." He smiled.

Kinuha ko ang unang microchip na mayroong kulay puting linya sa itaas na bahagi nito. Maingat ko itong hinawakan sa dalawang dulo gamit ang hinlalaki at hintuturo ko.

Namangha ako dahil habang iniaangat ko ang microchip ay mas nakikita ko ng mas malinaw ang disenyo nito. Mula sa kulay itim ay naging transparent ito na parang salamin.

Ang tanging kulay na natira ay ang kulay puting linya sa itaas. Kapag itinalikod ito ay makikita ang mga kulay gintong linya na kahalintulad sa likod ng sa mga karaniwang micro SD cards.

"Like what you are seeing, crystal microchips looks like transparent glass and there are lines on top of it. They possess different colors, same functions." Hindi ko inalis ang paningin ko sa hawak kong microchip. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa magandang disenyo nito.

"We do proudly introduce to you MAC's crystal microchips specialized only for MAC's masterpiece."

Nang dapuan ko sya ng tingin ay umayos sya ng upo, mula sa pagkakadikwatro ay ibinaba nya ang kanyang paa at pinaghawak ang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Crystal microchips let you combine different microchips from the first batch we gave you."

Ibinalik ko na ang microchip sa lalagyanan at ibinigay sa kanya ang buong atensyon ko. Sumandal ako sa upuan at inilagay ang braso ko sa handrest ng upuan at dumikwatro ng upo.

"As you can see, there is a line on top of each crystal microchips. White and red. Also, you can notice in the third microchip that it's different from the first two crystal microchips because black, red and white are all present to it."

Yeah, yun nga din ang napansin ko. Kung yung dalawang microchips, tig-iisa lang ng linya ng kulay sa itaas, ang huling microchip ay magkakasama ang tatlong kulay. Nasa pinakataas ang puti na sinundan ng pula at sa ibaba naman ay ang kulay itim.

"Crystal microchips with white line on top lets you combine white microchips so as the crystal microchips with red line while the third microchip lets you combine the combination that will be done by the first two crystal microchips. But be reminded that white is for white, and red is for red."

"Woah, for real? Ibig sabihin I can combine microchips using the crystal microchips and merge those combinations using the third crystal microchip?" Bigla ay napa-ayos ako ng upo dahil analyzing what he said make my jaw drop. Napailing nalang ako. They never fail to surprise me with their creations.

"Yes, you got it right. We created this crystal microchips because in able to perform well and act as a real human, she needs to have many skills, knowledge and attitude like a real human itself."

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now