Chapter 24

4 1 0
                                    

Chapter Twenty-Four
Sorry

I handed a shirt to Enzo. "Malinis iyan huwag kang mag-alala."

Sabi ko na bago pa siya makapagsalita dahil halata sa mukha niya na magrereklamo siya.
Nasa clinic kaming dalawa, wala namang nasaktan. Hindi rin siya nasaktan pero mas pinili ko na doon siya dalhin dahil bukod sa hindi naman iyon kadalasang pinupuntahan ng mga estudyante ay talagang basang-basa ang likod at damit niya.

Noong mga bata kami, laging may nakabuntot sa kanya na dalawang yaya at isang bodyguard. Hindi siya basta nalalapitan noon kaya masaya ako ngayon para sa kanya dahil kahit pa paano ay may mga kaibigan siya kahit sakit ang mga ito sa ulo.

His nose crinkled. "Ganyan ba kaarte ang tingin mo sa akin, Light? Hindi naman ako maarte ah. Problema ko ba kung masyado talagang sensitive ang makinis kong balat?"

Bakit parang mas gusto ko na lang siyang lunurin?

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Umikot ang mga mata ko. "Pero salamat pa rin, Enzo sa ginawa mo kanina."

Saka ako matamis na ngumiti. Totoong ngiti. Ngiting nagpapasalamat.

Of all people, I didn't expect that he will be the one who will saved me from that kind of situation. He wasn't really the hero type maybe because he looked like a pampered prince. Para bang lahat ng gawin niya ay may nakaalalay sa kaniya at tutulong o baka sila na mismo ang gumawa no'n para hindi na siya mahirapan o mapagpawisan.

Parang isang galaw lang niya ay agad siyang mapapagod, gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya kahit hindi naman siya mukhang sakitin.

Their family, the Olivarez's are one of the most powerful family here in Cienfuegos too. Kahalili nila ang mga Aldeguer, Deogracia at Monteverde. Ang mga angkan na iyon ang huwag na huwag mong susubukan na kalabanin dahil talagang kinatatakutan sila.

He smiled proudly. "That actually felt good, Light. From now on, I will be your hero."

Humihirit pa talaga.

"Huwag mo ng ituloy at baka lyrics lang ng kanta ang kalabasan ng sasabihin mo."

Humalakhak siya. "Kung hahayaan mo lang na mapalapit ulit ako sa iyo. Kilalanin pa ako ng lubusan, sinisigurado ko sa iyo na magugustuhan mo din ako. If you just give me a chance, Light. I will prove to you that my intentions are real and clean. And the fact that my mother likes you for me. Tanggap ka rin ng pamilya ko, nang buong angkan namin."

Talagang mabait sila at mapagkumbaba, hindi ko lang alam kung bakit nalihis sa kaniya.

Parehas na parehas sila ni Thunder. Ang titino ng pinagmulang pamilya. Sayang at hindi man lamang nila iyon namana.

"Wala pa talaga iyan sa isip ko, Enzo. Naka-focus ako sa pag-aaral at pagtratrabaho. Hindi pa ako handa sa mga bagay na ganyan. Pasensya na."

I still have lots of dreams not only for myself but for my parents too. I'm too ambitious to even think about having a romantic relationship with someone.

He held my hand as he looked at me intently and I know that his intentions are pure pero ano ang magagawa ko kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natututunan kung paano magmahal ng isang tulad niyang lalaki.
At ang tanong ay natututunan ba ang pagmamahal o kusa ko na lang iyon na mararamdaman kapag dumating na ang tamang tao sa tamang pagkakataon?
But are there even such things?

Gusto ko kapag dumating ang pagkakataon na magmahal na ako ay nasa ayos na ang lahat. Nakamit ko na ang mga pangarap at wala ng problema pero alam ko din naman na hinding-hindi iyon mangyayari.

Ang isang taong pilit lumalaban ay mas lalong pinapahirapan. Sasaya ka lang saglit pero ang kapalit agad no'n ay walang hanggang sakit at pagdurusa. Ayaw ko ding dumating sa punto na puro na lang pera ang iisipin ko at iyon ang lagi naming pag-aawayan.

When Thunder falls and Lightning strikesWhere stories live. Discover now