Chapter 1

58 3 2
                                    

Chapter One
Drink

Natigil ako sa aktong pagbukas ng pinto ng silid ng marinig na naman ang pagsigaw ni mommy, I thought they were already done arguing but looks like they are just starting.

"This is all your fault, Neandro. When God showered bad luck, you get them all. You and your greediness. If not because of your vices, I will not taste this misery. My father was right all along, the moment he met you, he knew I would just suffer."

Nanghihina akong sumandal sa pinto ng silid. Iyon ang laging reklamo ni mommy kay daddy simula ng magbago ang buhay namin.

Pinakatitigan ko ang kuwarto, mas malaki pa nga ang bathroom sa dating silid kaysa sa kuwarto ko ngayon. Ang kama ay may manipis na kutson na hinulog-hulugan ni daddy sa isang bombay. Ang mesa at drawer ay lumang kahoy, bukbok na rin ang sahig na pinapaganda lang ng floor mat. Ang nagbibigay kulay lang sa silid ay wallpaper at kurtina.

Maliit lang ang bahay namin ngayon kumpara sa bahay namin dati. May dalawang silid iyon, kusina, sala at CR. Kaya kapag galit si mommy at sumigaw, dinig na dinig talaga iyon sa buong bahay.

"Where are you going?"

Hindi pa ako tuluyang nakalalabas ng silid ay nakatunghay na agad sila sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni mommy, umasim ang mukha ng pasadahan ako ng tingin. I'm wearing a plain tee shirt, skinny jeans, and sneakers. All the things she hated the most.

"Kayo ho, saan kayo pupunta?" I asked when I noticed that she was wearing a dress and heels. She has make-up too and her hair is perfectly tied.

"Leona Deogracia invited us to have dinner with them, kakauwi lang nilang magpamilya kahapon."

I nodded and smiled as I gazed at Daddy who was sitting in his wheelchair, pero naglaho din iyon ng makitang nakapangbahay pa rin siya. Umiling ang ama at nag-iwas ng tingin.

"Mommy—"

"Ako na lang ang pupunta dahil ayaw ng daddy mo at mukhang abala ka." Putol niya sa iba ko pang sasabihin. "Summer na 'di ba? Wala na kayong klase."

"May trabaho ho ako, mommy." Malumanay kong sabi at hinalikan si daddy sa pisngi.

"Nagpa-part-time ka pa rin ba diyan sa may convenience store, Light?"

"Oho, Dad!" I walked towards Mommy then kissed her cheeks too and whispered. "Please, mommy, be nice to daddy."

Umirap siya, nagtatampong tinalikuran ako. Bumuntong hininga na lang ako.

"Mauna na ho ako." Paalam ko.

"Mag-ingat ka." Mommy murmured as she sat down but she was still not looking at me. "Bakit hindi ka na lang magpasundo kay Hansel?"

"Ayaw ko na hong makaabala pa, mommy."

"Light."

Nagtatakang nilingon ko si daddy at parang pinipiga ang puso ko ng makita ang lungkot at pagsisisi sa kaniyang mukha, pilit rin niyang itinatayo ang sarili.

"Ayos lang ho ako at mag-iingat ho talaga ako. Huwag ho kayong mag-alala sa akin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na rin akong lumabas, mabigat ang mga hakbang at bahagyang tumamlay.

"Kasalanan mo talaga ito, Neandro. Nakita mo na, ang anak mo ang talagang naghirap ng dahil sa kagagawan mo." Narinig ko pang sabi ni mommy bago tuluyang makalayo.

Wala akong trabaho ngayon sa convenience store, iyon lang ang idinahilan para hindi na magtanong pa ang mga magulang dahil sigurado akong hinding-hindi sila papayag at baka atakihin pa si mommy oras na malaman niya iyon. Nakipagkita ako kay Jessa, nagtratrabaho din sa convenience store dahil may inalok siya sa akin na part-time job.

When Thunder falls and Lightning strikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon