Chapter 6

38 3 0
                                    

Chapter Six
Deogracia

Pagkauwi sa bahay ay ang nakangising ina ang agad na sumalubong sa akin. Tila naghihintay ng isang magandang balita na hindi ko rin maibibigay sa kaniya.

"Lumiere—"

"Mom, not now. I'm tired." Sansala ko sa iba pa niyang sasabihin.

Bukas pa lang ng kanyang mukha, pagkakangisi at kislap sa mga mata ay talagang hindi ko matanggap na nakakaya niyang isipin ang mga bagay na sobrang kinayayamutan ko.

I mean, yes, I know my mother that's why I'm trying my hardest best to avoid what she's planning and will gonna plan in the future. Dumiretso ako ng silid at katulad ng inaasahan ay sinundan ako ng ina.

"Kumusta ang pagtuturo mo kay Thunder, Light? Dinig ko ay ang gwapong bata daw 'yon pero maloko."

Sumimangot ako sa sinabi ni mommy, mas nadagdagan lang ang pagod na nararamdaman ko. Sinundan lang talaga niya ako sa kuwarto ko para lang tanungin iyon. Sinong hindi maiinis lalo na kung tungkol na naman sa lalaking iyon?

"Hindi pa kami nagsisimula, mommy." Sabi ko na lang, nagbuklat ng libro para ipakita sa kanyang hindi ako interesadong pag-usapan ang nilalang na iyon at ang mga nangyari ngayong araw.

"Oh! Gano'n ba?"

Umupo siya sa gilid ng kama ko at sigurado ako na hindi ko na ito maiiwasan at hindi agad siya mapapaalis.

"Kung gano'n anong ginawa mo sa bahay nila, Light? Nagkasundo na ba agad kayo? Baka naman inaway at kinulit mo na naman. Ikaw naman kasi, you're not too ladylike. Sometimes you need to be more demure and sweet, Light. Be more soft-spoken, para kasing naghahanap ka lagi ng away kapag nagsasalita ka. Be more like me, why can't you be more like me?"

I guess this conversation will go on if I respond so I just chose to shut up. And I'm already used to her comparing me to everyone, especially to herself.

"Nagandahan ba siya sa 'yo? Bakit naman siya magagadahan sa 'yo? Siguradong marami ding mas magandang babae sa Manila. Look at yourself, Light. Hindi ka naman kasi masyadong nag-aayos. Kapag off mo, magpapa-spa tayo. Iparebond din natin yung buhok mo at bibili tayo ng mga bago mong damit."

Alam ko na ang gusto niyang mangyari at patutunguhan ng pinag-uusapan namin at sa isiping iyon ay kinikilabutan na ako. I can't even believe that she could think of those things.

"Gastos lang 'yan, mommy. Malapit naman na ang pasukan kaya magiging abala pa lalo ako. Sayang lang ho 'yan." Walang gana kong sabi.

"Ano ka ba, Light. Alagaan mo din naman ang sarili mo." Lumapit siya sa akin, dahan-dahang sinuklay ang buhok. "Look at your hair, it's so dull and lifeless and your skin. Eww, it's so dry. Oh my god! Basta bago magsimula ang klase n'yo ay kailangan maganda na maganda ka. Are we clear?"

Walang ganang tumango ako.
Pinalakihan niya ako ng mata. "Lumiere."

I sigh heavily. "Yes, mommy."

Hindi ako madaling sumuko at wala pang bagay o tao na nakapagpasuko sa akin kaya itong gagawin ay pagtitiisan na lang.

Kung hanggang kailan ay hindi ko rin alam.

I don't have the energy when I stand in front of the Deogracia's mansion. I was hugging my books and the warmth of the sun and humid weather worsened my senses. Ilang minuto nang nakaalis ang tricycle pero hindi ko pa rin nagagawang mag-doorbell.

Ni hindi ko rin alam kung magagawa ko pa ba ito pero nasimulan ko na at nando'n na rin naman ako kaya ipagpapatuloy ko na lang iyon.

As the gate finally opened, hindi agad naipinta ang mukha ko ng makita si Thunder na ibinunyag ng gate. Nakatayo siya sa tabi habang nakapamulsa at may nakakalokong ngisi sa kanyang mukha.

When Thunder falls and Lightning strikesWhere stories live. Discover now