Prelude

65 7 0
                                    

Prelude

Deogracia.

Ah yes! That name. That name that everyone glorified. Everyone feared, respected and adored. The money, the power, the reputation it had, everyone wants it. Everyone envies it.

Pero mas marami pa rin ang naiinggit at sinubukang itong kalabanin, sirain at pabagsakin. But no one succeeds.

For me.

That name felt like a curse.

If people don't want you then they will just like what you have and if people don't need you then they'll just use you. Subok ko na iyon.

Lumaki ako na hindi nakasanayang gamitin ang pangalayang iyon.

I never take advantage of it, even if I want to. Because I know that most of the people around me are just using me because of that name. They want the reputation my family had. The protection. The influence.

Everything people want and need, the Deogracia's had it all. Name it and they had it all.

Noon, kung hindi ako napapalibutan ng mga bodyguards, mga yaya's naman ang buntot ng buntot sa'kin. Hanggang sa masakal na ako sa mga naging kapalit ng karangyaan at kaginhawaan na kinalakihan at nagrebelde.

Well, that's what people call it. Me just being rebellious and ungrateful.

But some call it a phase.

Pero ano nga ba ang alam nila tungkol sa akin maliban sa pagiging Deogracia?

"Akala ko hindi ka na darating, Reed at magkakilala pala kayo nitong si Callahan." Salubong sa'min ng isang lalaking malaki ang katawan, balbas sarado at medyo kalbo.

Ni hindi ko alam na may kaibigang ganito si Reed. And I don't mean anything about that pero sa pagkakakilala ko sa pinsan, ito kasi ang klase ng taong hindi nasasangkot sa gulo. O hindi mo paghihinaalaan na magkakaroon ng kakilala na mukhang sanggano.

Kilala ko lahat ng kaibigan ng pinsan pero mukhang hindi ko pa ito lubos na kilala.

Nasa isang talyer kami at sa paligid ay nagkalat ang mga sirang motor at kotse.

"Callahan?" Nagtatakang lumingon sa'kin si Reed.

Nagkibit-balikat lang ako. Walang pakialam sa kung ano man ang iniisip niya sa oras na iyon.

Bumaling ulit siya sa lalaki. "Naisama ko na 'to noong isang linggo para manood, Jasper. Mukhang nakita mo na rin 'to."

"Oo, saglit na nag-usap pero agad din ata siyang umalis."

"Gano'n ba? At Callahan ang pakilala niya?"

"Callahan naman talaga ang pangalan ko." Salo ko sa sasabihin ni Reed at naramdaman ko ang mabilis nitong pagbaling sa akin. "Driver ako ni Reed."

Tumawa naman si Jasper, mukhang hindi napansin ang pagtataka ni Reed. "Oh sige, pili ka na kung ano ang gusto mong ayusin sa mga nandito, Callahan. At kung naayos mo, iyon ang gagamitin mo sa sabado."

Agad na hinablot ni Reed ang braso ko saka bumulong. "What are you doing? Sabi mo magtitingin-tingin ka lang? Wala sa usapan natin na sasali ka sa kanila."

"You know I loved surprises."

"And Callahan? Really?"

"Hindi naman siguro madidisgrasya si Callahan kapag ginamit ko ang pangalan niya 'di ba?" Pagbibiro ko.

"Hanggang ngayon ba naman ay iba't-ibang pangalan pa rin ang gamit mo? When will you use your real name?"

"You do know how much I despised my name, Reed. At walang magbabago do'n. Come on."

When Thunder falls and Lightning strikesWhere stories live. Discover now