Chapter 15

20 5 0
                                    

Chapter Fifteen
Trust

I smiled at Yasmien when she gazed at me as I sat down on my chair. Kinuha ko ang notebook ko at tahimik na nagbasa, medyo hinihingal pa dahil talagang tinakbuhan ko si Thunder.

I imagined his annoying face. Natawa na naman ako. Kakailanganin ko na atang magsuot ng rosaryo para makalayo sa kaniya.

"Bakit mo ba ako tinatakbuhan na para bang kakainin kita, Lumiere?" Tila batang naghuhurumintado na hindi nakuha ang kanyang nais ng sabihin iyon ni Thunder.

Umupo pa talaga siya sa tabi ko para lang magreklamo at padabog pa talaga. Bubuwisitin naman ata ako.

"Dumaan ako sa bahay n'yo. Bakit ang aga mong umalis?"

"Bakit? Sinabi ko bang dumaan ka sa bahay namin?" Baliwala kong tanong habang nagbabasa ng mga notes.

"Ang sungit mo na naman. Nakamamatay 'yan, Lumiere."

Peke ko siyang nginitian saka ako supladang umirap.

He laughed a little. "Ang cute mo talaga. Parang panda lang na sinusumpong."

Gago talaga!

Ang aga-aga, nagdidilim na agad ang paningin ko at kumukulo ang dugo ko.

Yes, I really have big eyes but I never treated it as a flaw. For me, if my doe eyes are not one of my best assets then it's the greatest. I'm proud of it but because he often calls me tarsier or panda, I start to get conscious of my appearance.

Pero cute naman ang panda ah... Pati ang tarsier... Cute din...

"Umalis ka nga diyan at bumalik ka sa upuan mo, hindi ikaw ang katabi ko."

"Hindi pa naman nagri-ring ang bell."

I rolled my eyes and then made a ringing sound, iyong tunog ng bell ng school kapag nagsisimula na ang klase, break at uwian. And it just made him laugh loudly.

Magkomedyante na lang kaya ako?

Buti at kakaunti pa lang ang nasa classroom kung hindi ay baka pagpipiyestahan na naman kami nito.

"I don't know if you are really serious or just funny, Lumiere. How can you do that without even laughing?"

"Ay, seryoso ho talaga ako, Mr. Deogracia—"

"Ako kailan mo naman seseryosohin?"

Nakakagulat talaga kapag bigla-bigla siyang sumeseryoso. Nakakaintimida masyado.

"Gusto mo ng sapak? Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo kaya bumalik ka na sa upuan mo. Ang aga-aga sinisira mo na ang araw ko."

"Mamaya na." He still insisted and he's now back again to being smiley and annoying. "Huwag kang mag-alala at magpatuloy ka lang diyan sa pagbabasa mo. Hindi ako mag-iingay at hindi rin kita kukulitin."

Then he winked at me.

Nasira ang mukha ko. "It's not about that, Thunder. Buong presensya mo ang distorbo kahit nga paghinga mo."

I did my best to focus my attention on reading as I tried to ignore Thunder who was still chuckling while now busy with his phone. I heard him tsked but he didn't say anything after that, he stayed silent and let me read my notes until the bell rang.

"Hmm, T-Thunder, diyan kasi ako nakaupo." Ang lalaking katabi ko dapat sa upuan ay nakatayo sa gilid at tila takot na takot ng kausapin si Thunder.

Nakayuko pa ito at hindi makatingin ng diretso kay Thunder man o kahit sa akin. He's always silent and I never see him talk or socialise with anyone. Sa sobrang tahimik niya ay ni hindi ko maalala ang kanyang pangalan. Ni hindi nga ako sigurado kung siya ba talaga ang seatmate ko but he will not take the risk to approach us and talk to Thunder if he isn't.

When Thunder falls and Lightning strikesOnde histórias criam vida. Descubra agora