Chapter 5

39 6 0
                                    

Chapter Five
Dirty

Ang galit ko sa kay Thunder Deogracia ay ibinuhos ko sa pagkaing inihanda ni manang Amparo para sa akin. I will not let him ruin my day.

"Naku, sigurado ka bang mag-aagahan dito si Thunder, Light? Patapos ka na pero wala pa rin siya." Dinig kong sabi ni Manang Amparo.

"Sabi niya ho susunod daw ho siya." Paninigurado ko, ninanamnam ang mga pagkaing nakahain sa hapag.

Nagkukumahog akong lumabas ng kuwarto niya kanina dahil talagang nakahubad siya at tuwang-tuwa pa siya sa reaksyon ko. He keeps on teasing me that all I can do is scream all the negative words I know.

Umiinom ako ng tubig ng matigilan. Biglang kinabahan ng magkaroon ng kutob sa posibleng gawin ni Thunder.

"Thunder Deogracia!" I said with gritted teeth as I clenched my fist, I stood up and ran towards the door.

"Teka, saan ka pupunta? Light, huwag kang tumakbo. Batang 'to." Biglang tili ni manang Amparo pero sinundan din ako.

Hinihingal ako at medyo sumakit ang tiyan ng makarating sa guardhouse pero hindi ko na ininda pa iyon.

"Manong guard, si... Thunder ho ba-" I exhaled. "Nakita n'yo ho ba si Thunder?"

"Kakaalis lang, hija. Sinundo siya ng mga kabarkada niya." Ngumiti pa siya sa akin na mas lalo kong ikinairita.

Naiinis akong napasigaw at napapadyak. His expression changed in an instant, he looked confused and a bit scared.

"May problema ba, hija?"

"Hindi pa kasi nakakakain ng agahan si Thunder." Singit naman ni manang Amparo at tingin ko tuluyan na atang sumama ang pakiramdam ko.

"Puntahan mo na lang, hija. Magpahatid ka kay Callahan, alam no'n kung saan ang tambayan nila Thunder."

"Teka at tatawagin ko, Light, ipahahanda ko na rin ang gagamitin n'yong sasakyan."

Pipigilan ko sana at tatanggi pa pero naisip ko, kung nasira niya man ang araw ko ay gano'n din ang gagawin ko. I will ruin his day and I will make sure it will be memorable.

Naturingan akong isa sa pinakamatalino sa school pero nagpauto ako kay Thunder at sisiguraduhin ko na hinding-hindi na iyon mauulit.

"Magandang umaga ho, ma'am." Nakangiti at puno ng buhay na bati sa akin ni Callahan. Moreno ito at matangkad, matangos ang ilong at may kalakihan ang katawan. Mukhang sanay sa mga gawaing mabibigat.

"Light na lang." I smiled too.

Gusto ko sanang sagutin na walang maganda sa umaga pero ang bait ng awra niya tapos guwapo pa at mukhang gentleman.

"Callahan na lang din." He opened the door in the backseat which I found a little awkward but I didn't say anything.

"Teka, Light! Light!"

Binalingan ko si Manang Amparo na tumatakbo palapit sa amin, may bagay itong iwinawagayway sa ere.

"Muntikan ko ng makalimutan. Iba na talaga kapag tumatanda." She was catching her breath as she handed me a key and card. "Ipinabibigay nga pala ni ma'am Leona, gusto niya ikaw ang mag-budget sa mga kakailanganin ni Thunder at pwede ka ring kumuha ng pera diyan kung gusto mo. Itong susi naman ay para sa motor ni Thunder, hindi ko na nasabi sa kaniya. Ikaw na lang ang magpaalala, nasa may garahe lang."

Medyo naiilang ako dahil sa backseat ako nakaupo, hindi naman dapat kasi ganito. Hindi niya ako boss dahil parehas lang kaming nagtatrabaho sa mga Deogracia.

"Hindi ko alam na malapit pala kayo ni Thunder."

"Naku hindi 'no. Kung hindi lang kay Tita Leona, hinding-hindi ako papayag na i-tutor si Thunder." Agad ko namang tanggi, may kasama pang pag-iling.

When Thunder falls and Lightning strikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon