Chapter 3

49 7 0
                                    

Chapter Three
Nightmare

Mula sa pagsasalansan ng mga kadarating lang na mga paninda ay tinanaw ko si Jessa na nasa counter ng marinig ang malandi nitong pagtawa, she was talking to a male customer. The convenience store is not that big kaya dalawa lang kaming nagtratrabaho doon. Ito ang matagal na do'n dahil tiyuhin nito ang may-ari, she's six years older than me but she wants me to treat her like we're friends who are the same age.

"Kamusta na, Lumiere?"

Walang kasing-bilog ata ang mga mata ko sa gulat ng makita si Thunder. I'm standing at the stepladder and fixing the products at the top of the rack when he suddenly shows up which I find so unfortunate because of my current situation.

Just thinking about the things that happened last night, my day was ruined immediately. He's wearing a shirt, jeans, and sneakers. I already knew he was tall back then but the authority in his stance really shocked me.

"Paano mo nalaman kung saan ako nagtatrabaho at huwag na huwag mong subukang gumalaw o kahit huminga man lamang." Banta ko sa kaniya.

Nakuha niya pang ngumisi samantalang kabadong-kabado na ako.
Inirapan ko siya.

"Bababa ako. Mamaya itulak mo pa ako." Angil ko at mabilis na bumaba sa stepladder

"You are really cute."

He folded his arms over his chest while staring at me with amusement. Nang makaapak sa sahig ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?"

"For someone smart like you, that's actually a dumb question."

Aktong hahawakan pa niya ang baba ko buti at agad akong nakaatras at nahampas ang kamay niya.

"Hey! That's rude."

"At sa tingin mo ang hawakan ako ay hindi?"

"It's just a friendly touch, binibigyan mo lang ng malisya."

"Kailan pa tayo naging magkaibigan?"

"Bakit? Gusto mo bang magsyota na agad tayo? Madali lang naman akong kausap, Tuan."

Kinuyom ko ang kamao, pilit kinakalma ang sarili pero hindi ko talaga magawa kaya inayos ko na lang ang mga naka-display na mga produkto sa rack kahit naayos ko na ang mga iyon kanina.

"I was just joking."

"And you're disgusting too." Mahina pero mariin kong sabi.

"Alam mo ang dali mong mapikon, ngayon nga lang ulit tayo nagkita. Na-miss kaya kita."

Wala na akong balak kausapin siya kaya nagpapasalamat ako sa dalawang babaeng ka-schoolmate na lumapit sa akin kahit hindi ko kasundo ang mga ito.

"Light, pwede bang kumuha ka ng-" natigil ito sa pagsasalita ng basta na lang siyang tabigin sa balikat ng kasamang babae na ngayon ay nasa lalaking nasa likuran ko ang mga mata at basta na lang nila akong nilagpasan para lapitan si Thunder.

Nabangga pa nga nila ako pero mukhang wala na silang pakialam do'n.

"Hi! Ngayon ka lang namin nakita dito. I'm Golden by the way."

Ipinagpatuloy ko na lang ang trabaho at lumayo sa kanila. Abalang-abala na, ni hindi na nga alam ang oras at nangyayari sa paligid ng basta na lang akong distorbohin ng limang babae, isa na do'n si Golden.

Kumunot ang noo ko, tumingin sa paligid pero ni anino ni Thunder ay wala akong nakita.

"May kailangan kayo?"

Golden looked at me from my head down to my shoes then frowned. "Are you a stripper, Light?"

"Ano? Ano na naman kayang trip n'yo?"

When Thunder falls and Lightning strikesWhere stories live. Discover now