Chapter 10

28 6 0
                                    

Chapter Ten
Fate

Nasa labas pa lang ako ng mansion ng mga Deogracia ay dinig ko na ang hiyawan sa loob. Noong una, akala ko ay nagkakagulo na pero may kasunod iyon na tawanan at malakas na tugtog.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa o hindi pero bumukas na ang gate. Dala ang plastic container na ibinilin sa akin ni mommy na ibigay kay Thunder ay pumasok na ako.

May mga namukhaan ako, may mga nakilala rin pero diretso lang ang naging lakad ko. Mukhang wala rin naman nakapansin sa akin. Abala sila sa pakikipag-usap sa isa't-isa at kung anu-ano pa. Dumiretso ako sa kusina at naabutan do'n sila manang amparo.

Nagulat ito ng makita ako pero ng makabawi naman ay ubod ng tamis na ngumiti.

"Sasali ka sa kasiyahan, Light?" Tanong ni Yasmien.

Mabilis akong umiling. "Hindi 'no, nandito ako para i-tutor si Thunder pero mukhang abala siya."

"Puntahan mo na lang sa may pool area, Light." Pagtataboy naman sa akin ni manang Amparo.

"Hindi na ho. Uuwi na ho ako pero pakibigay na lang ito—"

"Hindi. Hindi." Agad na putol niya sa iba ko pang sasabihin, lumapit sa'kin at bahagya pa akong tinulak. "Mas importante ang pagtyu-tutor mo sa kaniya at iyon ang mas mauuna kaya lumabas ka na sa pool area at kausapin siya. Ikaw na rin ang magbigay niyan sa kaniya."

Si manang Amparo kung gugustuhin niya ay talagang nakakatakot siya kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundin na lang siya.

Punong-puno ang swimming pool. I saw women only wearing two pieces while some men were wearing trunks and boxer shorts.

Pakiramdam ko napaka-out of place ko. Nakakatakot. Nakaka-suffocate.

Ito iyong mundo na hinding-hindi ko na kayang sabayan dahil mas gugustuhin ko na lang na magpakapagod sa sunod-sunod na trabaho kaysa sayangin ang oras ko sa panandaliang kasiyahan.

My sight darkened when someone covered my eyes with his bare hands.

"Okay, the fun's over. Magsiuwian na kayo." Thunder announced wryly.

Sumimangot ako, umatras pero mali ata ang nagawa dahil naramdaman ko ang basa niyang katawan sa likuran ko kaya napadiretso ako ng tayo.

May mga nagreklamo at nagalit pero wala din silang nagawa kung hindi sundin si Thunder hanggang sa tumahimik ang kapaligiran.

Huminga ako ng malalim, pilit pinalamig ang boses. "Puwede mo na sigurong alisin 'yang madumi at makasalanan mong mga kamay sa mata ko at lumayo ka nga sa'kin na nilalang ka."

Thunder chuckled but he still followed me after tapping both of my shoulders.

Nakasimangot ko siyang nilingon para lang mapangiwi dahil wala siyang pang-itaas. Tanging shorts lang ang suot niya. Basa pa ang magulo niyang buhok at tumutulo pa sa katawan niya ang tubig.

Sakto lang ang katawan niya. Hindi payat pero hindi rin naman malaki.

"Ang laswa mong tingnan. Nakakadiri!" I sneered in annoyance.

He's smiling from ear to ear as he hugs his chest like his covering himself from me as if I'm going to violate him.

"Huwag po, ate. Bata pa po ako." He mumbled innocently.

Kahit anong pigil ko, sinubukan ko pang kagatin ang ibabang labi pero hindi na napigilan at tuluyan na akong napahalakhak. Naiinis siyang hinampas.

"Itsura mo. Para kang tanga. Bwisit 'to."

Tumawa din siya, pero mayamaya ay sumeryoso at mariin akong tinitigan kaya nailang tuloy ako. I cleared my throat and looked away.

"Hintayin mo na lang ako sa library. Magsha-shower lang ako." Basag niya sa katahimikan.

When Thunder falls and Lightning strikesWhere stories live. Discover now