Chapter 17

24 5 0
                                    

Chapter Seventeen
Ours

"So let's settle this once and for all, Ms. Monsalves and Mr. Deogracia." Simula ni Mr Cepeda ng makaupo siya sa kaniyang itim na swivel chair.

Papalit-palit sa amin ni Thunder ang kanyang tingin, para bang sinusuri kami at inaalam ang ano mang iniisip namin. Para bang sa ganoong paraan ay malalaman niya ang dahilan ng kaguluhan sa cafeteria kanina.

Sabay naming itinuro ni Thunder ang isa't-isa, medyo nagulat pa nga ako sa ginawa niya. Siya pa talaga ang may lakas na magturo? Siya pa? Kapal!

Pinandilatan ko siya pero ngisi lang ang iginanti niya sa akin. Truth is, I'm not that nervous at all. I'm calm and it really confuses me.

"I'm not going to ask who started it and the reason why you two did it." Mr. Cepeda rolled his eyes. "Alam naman na ng buong school ang tungkol sa inyong dalawa..."

Tungkol sa aming dalawa? Teka... Ano naman ang tungkol sa aming dalawa?

"Pero utang na loob, can you two be more discreet about your relationship? Hindi lahat ng tao ay swerteng tulad n'yo. Siyamnapung porsyente sa eskwelahang ito ay single at isa na ako doon kaya huwag kayong nang-iinggit. "

I blinked my eyes confusingly then gazed at Thunder and returned my eyes to Mr. Cepeda. Torn between if I'm going to be offended or laugh.

"Sir, mali ho kayo ng iniisip." Sabi ko ng makabawi, gustong-gusto na talagang tumawa.

Sinulyapan ko ulit si Thunder na kalmadong nakaupo sa katabi kong upuan, nakasandal pa siya at maaliwalas ang bukas ng mukha. With his hooded eyes, he glanced at me and his brows furrowed because of what I said.

"Hindi ho, Sir. Wala ho kaming relasyon nitong si Thunder. Mali ho kayo ng pagkakaintindi. Hindi rin ho kami magkaibigan. Tutor niya lang ho ako."

I was really on the verge of laughing. Instead of being scared because this is my first time to be called here, I don't even know why I find this really funny.

Kumurap-kurap naman si Mr. Cepeda, medyo nakabuka ang bibig at parang hindi niya alam ang sasabihin o ang magiging reaksyon. I glared at Thunder, urging him to explain his side but he remained silent while his face darkened. He just stared at me with blank emotion.

"Okay then," ipinagdaop ni Mr. Cepeda ang kanyang mga palad ng makabawi. Sumeryoso na. "Ms. Monsalves, I have really high expectations from you but what happened earlier, you disappointed me—"

"It's my fault."

Agaw ni Thunder na parehas naming ikinagulat ni Mr. Cepeda. Kunot-noong binalingan ko si Thunder. Seryoso siyang nakatitig ng diretso sa mga mata ng gurong nasa harap namin. Napaayos ako ng upo ng makita ang walang emosyon niyang mukha at ramdam ko rin ang kalamigan niya.

"It's your fault?" Mr. Cepeda trailed off.

"It's my fault. Simple as that. I started it. Walang kasalanan si Ms Monsalves."

Natigilan ako at napatitig kay Thunder. Dapat matuwa ako sa mga sinabi niya pero bakit mas bumigat lang ang dibdib ko at hindi ko magawang magsaya?

Kasalanan naman talaga niya, hindi ba? Siya ang nagsimula. Tawagin ba niya akong tarsier at panda, sino namang babae ang matutuwa do'n?
Naiwan sa office si Thunder dahil nauna akong pinalabas ni Mr. Cepeda. Mabibigat ang naging mga hakbang ko palabas at bumangon ang pag-aalala ko para kay Thunder.

Bakit? Dapat ba hindi ko na itinama ang iniisip ni Mr Cepeda na may relasyon kami ni Thunder kahit wala naman talaga?

Mas madali ba iyon kaysa parusahan kami? Mas maganda bang nagsinungaling na lang ako para hindi maparusahan si Thunder?

When Thunder falls and Lightning strikesWhere stories live. Discover now