Chapter 23

10 1 0
                                    

Chapter Twenty-Three
Hope

Nakakrus ang mga braso ko sa dibdib habang nakatingin kay Thunder, I'm staring at him with judgement in my eyes to hide what I really felt during this entire night. I really enjoyed the dinner but I felt a little awkward because he was acting like a good boy around my parents.

"Umuwi ka na." Pagtataboy ko sa kaniya. "Mantakin mo iyon, makikiinom ka lang pero dinner na at handaan ang natikman mo."

Inihatid ko siya sa labas dahil nagsimula ng mag-aya ng inuman si daddy, minsan din iyon ay talagang matigas ang ulo. Si mom naman talo pa ang reporter at kung anu-ano na ang pinagtatanong sa kaniya kaya talagang pinauuwi ko na siya.

Nagpamulsa siya at tumitig sa akin. "Maybe in the future, hindi lang sana iyon ang matikman ko."

Kumunot ang noo ko, kumurap-kurap. Galit siyang inirapan.

"Masyado ka ng demanding na nilalang ka. Kahit kaunti lang iyong handa namin, pinaghirapan pa rin iyon ng magulang ko. Walang utang na loob."

Kapag birthday at graduation ko nga lang kami nakapaghahanda tapos lalaitin pa ng isang ito.

"That's not what I meant."

"Eh ano pala?"

He shook his head but the ghost of smile in his lips caught my attention.

"Anong nakakatawa, Thunder?" Singhal ko na, gustong-gusto ng lapitan siya para sapakin.

"There are really things that even a smart person like you doesn't know, Lumiere." Makahulugan niyang sabi.

"Like what? Iyong parang sa madumi mong utak?"

Nagulat ako ng humalakhak siya. A laugh that is full of amusement and life.

"Hoy! Manahimik ka nga," inilibot ko ang tingin sa paligid bago ibinalik sa kaniya ang atensyon. "May mga natutulog na, Deogracia. Huwag ka ngang iskandaloso."

"Sorry, I can't help it." Mahina na siyang tumawa, pinunasan pa ang mga mata na parang maiiyak dahil sa pagtawa. "You really make my life a lot more bearable."

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi makapaniwalang natatawa pa rin siya kahit paulit-ulit ko na siyang nilalait.

"You know what, Thunder. Bakit hindi mo subukang magpatingin sa psychiatrist. There are sixty percent of the population of the world that denies and can't accept that they are suffering mentally. I won't judge. Promised!"

He chuckled, umiiling-iling hindi dahil sa sinabi ko but because what I said amuses him.

"I'm fine, don't worry." His lips curl into a dangerous smile. "Hindi pag-iisip ang problema ko ngayon, mas malala pa do'n."

Nagulat ako sa sarili na agad nakaramdam ng pag-aalala para sa kaniya.

I clenched my fist. "Anong ibig mong sabihin? May taning na ang buhay mo?"

"Don't celebrate yet." He shook his head "Sakit sa puson."

I blinked and my eyes went down to his loin, I blinked again then my brows furrowed.

"May UTI ka? Urinary tract infection?" Dahan-dahan at mahina kong sabi pero sakto lang para marinig niya.

He laughed again.

"That's curable, Thunder."

"Yeah! And you're the only one who can cure it." Paos niyang sabi, wala na ang mapaglarong ngisi.

"Anong tingin mo sa akin doktor?"

"As I said, there are things that even a smart person like you doesn't know and I think it's a good thing."

When Thunder falls and Lightning strikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon