Chapter 48: Alone With You!

128 10 3
                                    

"Love is not about how much you say 'I love you' but how much you can prove that it's true."

****************************

Gaya nga ng naunang sinabi ni Jackson na kung maaari ay mamadaliin na niya ang pagpapakasal nilang dalawa ni Lucille makasama lang ito ay gagawin niya. Kaya naman, makalipas ang isang buwan na preparation ay ikinasal na nga ang dalawa.

Naroon ang lahat ng mga kasamahan nila sa trabaho para saksihan ang pag-iisang dindib nilang dalawa.

Nakadagdag din sa kaligayahang naramdaman ni Lucille na makita ang mga dating kaibigan.

Sa reception sila nagkita-kita. Hindi niya inaasahan na ito ang sinasabi ni Jackson na surprise nito sa kasal nilang dalawa.

Hindi niya napigilan ang luha sa mga mata nang makita sina coach Bernard at si Mrs. Mybel, she misses them so much. Maging ang buong team na ngayon ay meron ng kani-kanilang buhay ay ikinatuwa rin niyang makita. Halos maubos ang araw niya sa pakikipag-usap sa mga ito.

Ni hindi na nga nagkaroon ng panahon si Jackson na makausap at makasama siya sa reception. Naiintindihan nito kung gusto niya munang makipag-usap sa mga dating kaibigan.

The entire time ay nakikipagkamustahan at nakikipag-usap siya sa mga ito.

Gaya ng inasahan niya, naging isang sikat na singer na nga si Gina. May gig na ito ngayon at kumakanta sa isang bar.

Sina Nicolo naman at Aya ay meron na ring dalawang anak ngayon. Masayang nagsasama ang mga ito habang magkatuwang na pinapalago ang negosyo.

Habang sina Lea at Jiro naman ang nagkatuluyan. Nalaman niya mula kay Lea na si Jackson mismo ang nagpursige na magkalapit silang dalawa ni Jiro. Napangiti naman si Lucille na malaman 'yon, tinupad nga ni Jackson ang pinakiusap niya rito.

Napatango lang ito nang tingnan niya ang gawi nito. Masaya itong nakikipag-usap sa mama niya. Ginanti niya ng ngiti ang pagtango nito.

Na miss na rin niyang makipag-kwentuhan sa mga ito.

Si Jiro naman ay hindi mawalawala sa mukha ang pananabik na makita siya ulit at makausap. Napakaraming mga bagay ang inusisa nito sa kanya. Masaya naman niyang sinagot ang mga tanong nito.

Kulang ang luha para maipararing niya ang damdaming gustong kumawala sa loob niya. Everything is perfect.

God knows how thankful she is right now and she can't ask for anything else.

----------

(A/N: Hi there! Just a reminder that the following scenes are not suitable for young readers. Though most of it are just implied but still the scenes are intended for adult readers. Don't blame me for not telling. Happy reading guys!)


Halos habol ang paghinga ng bagong kasal matapos maisara ang pinto ng silid. For their honeymoon, sa Boracay sila nagtungo. Saktong kabubukas lang nito no'ng mga nakaraang buwan at dahil pareho silang gustong makalanghap ng sariwang hangin na nagmumula sa dagat kaya perfect coincidence ang lahat. They will be staying there for a week.

"I will take a shower first," habol pa rin ang paghingang anas nito na paminsan minsan ay kinikintalan ng mga pinong halik ang buo niyang mukha.

Tinanguan lang niya ito. "Tatanggalin ko na rin muna ang mga kolorete sa buhok ko while you are taking a shower."

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon