Chapter 5: New Found Friend

296 108 102
                                    

Education is the most powerful weapon which you can use to change the World." Nelson Mandela.

******************************

Ilang araw na rin ang nakalipas na hindi pa rin naibabalik kay Lucille ang sketchpad niya. Hindi rin naman niya kilala kung sino ang lalakeng kumuha nun.

Isa pa ayaw na rin niyang pag-aksayahan pa ng panahon na maibalik pa 'yon sa kanya. Mas gusto niyang ituon ang pansin sa mas mahahalagang bagay.

Though importante sa kanya 'yon, mas pinili niyang huwag na 'yong hanapin. Siguro may mga bagay  talaga sa mundo na hindi permanente.

Nasa library siya noon, nag-aayos ng mga aklat sa bookshelves. Nag-apply kasi siya bilang library aide. Nakita kasi niyang nakapaskil no'ng nangdaang araw na nangaangailangan ng isa pang library aide ang library nila kaya sinubukan niyang mag-apply at sa kagandahang palad ay agad naman siyang natanggap.

As far as she can recall, in her real time, she's working at the bookstore for five years and with that year there's a lot of things she learn. At ang mga kaalamang 'yon ang nakatulong sa kanya para makapasok bilang isang library aide.

Sa kanyang pagbabalik sa nakaraan, may mga bagay pa ring hindi maintindihan ang dalaga, oo alam niyang nagbago ang itsura niya physically, bumata ang mukha niya at medyo pumayat din siya, but her thoughts stays the same. She thinks maturely and she remembers many things that happen in the future. Mga bagay na siya lang ang nakakaalam.

She's trying to think logically since it's her first week in that time she's in.

Hindi nawawala sa isip niya ang ideya na dala-dala niya ang ibang kaalaman mula sa hinaharap para maging gabay niya sa kung ano ang pwede niyang gawin sa kinaroroonan niyang panahon.

Apat silang library aide, dalawa silang babae at dalawa rin ang lalake. Masaya siya dahil mababait naman ang mga kasama niya, madali niyang nakasundo ang mga ito at agad ring naging kaibigan.

Pabor sa kanya ang nasa loob ng library hindi lang dahil sa mahilig siyang magbasa ng libro kundi na rin nare- refresh ang kanyang isipan, isa pa malaya siyang nakakabasa at nakakahiram ng mga librong gusto niya.

Matapos maiayos ang mga libro ay agad naring bumalik sa loob ng releasing area si Lucille. Sa pagkakataong iyon kasama nila ang head librarian nila, si Mrs. Mybel Dela Victoria na isa ring instructor sa naturang university.

Ilang minuto ang lumipas ay may lumapit na babaeng estudyante at may dalang libro. Nakangiti ito nang humarap sa kanya. Hawak nito sa kamay ang isang lumang Biology Book.

"Thank you so much for recommending this book. At first nag-alangan ako dahil masyado ng luma 'to but to my surprise, nandito lahat ng hinahanap ko. Hindi ko alam kung paano mo 'yon ginawa but thanks for the effort," mahinang sabi ng babae.

"Your welcome, it's my duty to serve you right," mahina ring tugon ni Lucille.

"Thanks anyway," dagdag nito habang iniaabot ang school I.D. nito.

Maya-maya pa'y lumapit ang library head nila. "I'm impress, bago ka pa lang dito but you show an exceptional ability. Kanina pa kita pinagmamasdan, madali mong naibalik sa bookshelves ang mga libro na walang pagkalito. Library aide ka rin ba in your old school?"

"Thank you po  ma'am for the compliment.  This is my first time working in a library po," nahihiyang sagot ni Lucille. Hindi kasi siya sanay makatanggap ng papuri mula sa isang tao. Kaya naman naging magaan ang pakiramdam niya sa pagkakataong 'yon. Masarap pala sa pakiramdam na may taong nakakakita sa maliit na bagay na ginagawa mo. 

Nasanay na kasi siyang palaging pinupuna ang mga kilos niya. Bawat mali niya ay tinitingnan. Napangiti siyang lalo sa ginang. Naisip niyang habang nasa panahon siyang 'yon, gagawin niya ang lahat ng best meron siya dahil hindi siya sigurado kung kailan siya babalik sa hinaharap.

My Time With You (Completed)Where stories live. Discover now