Chapter 44: My Time With You

101 9 2
                                    


"Sweet is the memory of distant friends! Like the mellow rays of the departing sun, it falls tenderly, yet sadly, on the heart." Washington Irving

******************************

Ilang minuto na rin ang nagdaan matapos ang ginawa nilang bonefire ng gabing iyon pero hindi pa rin umaalis sa may dalampasigan si Lucille, bagkus ay inabala niya ang kanyang sarili sa paglalakad ng paroo't parito. Gusto niyang damhin ang pinong butil ng buhangin sa mga paa niya. Gusto pa niyang damhin ng matagal ang maalat na simoy ng hangin dala ng tubig dagat.

Naalala niyang naging ugali na rin nila 'yon ng papa niya noon sa tuwing nakapamamasyal sila sa dagat.

Nang makaramdam ng pagod ay saka lang nagpasyang maupo sa bahaging hindi naaabot ng tubig si Lucille. Ayaw pa muna niyang tapusin ang saya at gaan ng kalooban na nadarama niya sa mga sandaling iyon. Gusto niyang sulitin ang panahon na meron siya sa lugar na 'yon. Napasinghap si Lucille nang tumama sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, yon ang nasa isip niya.

Napapabuntong-hiningang napapikit si Lucille matapos tingalain ang maliwanag na kalangitan dahil sa dami ng mga bituin na nagkikislapan. The night is just perfect to her. Napakasarap lang sa pakiramdam na parang napapagitnaan siya ng maraming bituin. Kung pwede lang niyang sungkitin ang mga bituin para itabi sa kanya para mas lalong lumiwanag ang paligid niya ay gagawin niya. Pero alam niyang imposibleng mangyari 'yon, baka maging abo pa siya kapag natabihan siya ng bituin. Saka natawa at napailing siya sa naisip.

Bakit kasi ang tao kapag walang magawa ay kung anu-ano na lamang ang naiisip?

"Are you okay?"

Hindi na siya nagulat pa kung kanino galing ang boses ng nagsalita. Saglit lang niyang nilingon si Jackson saka binigyan ng isang tipid na ngiti. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bitbit nitong isang makapal na kumot sa kaliwang kamay. Naupo ito sa tabi niya saka inilagay sa balikat niya ang dala nitong kumot. "Para hindi ka ginawin," anang lalake. "Hindi ka pa ba inaantok?"

Sunud-sunod lang siyang napailing. "Akala ko sasama kang makiki-jam at makiki-kanta sa kanila. Di'ba nanonood sila ngayon ng live band performance? Bakit nandito ka?"

"Kailangan pa bang itanong 'yan?" Nakakunot lang ang noo nito habang nakatitig sa kanya na wari'y ba ay hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Hindi naman kita pwedeng iwanan na mag-isa rito. Baka kung mapano ka pa. At isa pa, walang matinong boyfriend ang mang-iiwan sa girlfriend niyang mag-isa."

Kunwa'y napalabi ang babae.

"Asus! Gusto mo lang talaga akong makasama, nagdadahilan ka pa." 

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko namang gusto mo rin akong makasama. So, I guess the feeling is mutual. So, anong problema?"

"Alam mo, ikaw, lagi nalang may sagot."

"Kailangan kong depensahan ang sarili ko. Sa'yo ko rin naman natotohan ang mga 'yan kaya huwag kang manisi."

"Oo na," aniya saka ipinatong ang ulo sa balikat ng lalake at napapikit matapos magpakawala ng buntong-hininga.

"Naglalambing ka ba sa lagay na 'yan?" panunukso naman ni Jackson.

Napaungol lang si Lucille bilang sagot.

"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin," bulong niya habang hindi pa rin dumidilat.

"Para-paraan ka rin eh. Kunwari'y aawayin mo ko tapos ang ending naman nu'n ay maglalambing ka lang," patuloy pa rin sa pang-aasar na sabi ni Jackson.

Muli ay napaungol lang ang babae bilang sagot.

"Hindi ko na de-depensa-han ang sarili ko kasi sa bandang huli, alam kong ako lang naman itong talo. Sino ba naman ang mananalo sa 'yo sa usapan."

My Time With You (Completed)Where stories live. Discover now