Chapter 40: Making Things Right!

111 9 1
                                    

"Take a chance. You never know how perfect something might turn out to be."

**************************

Isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng magising si Lucille at mabalik sa nakaraan. Ang saya lang sa pakiramdam na muli niyang makakasalamuha ang mga taong tunay niyang na miss.

And also, kasabay ng pagbabalik ni Lucille sa nakaraan ay ang kagustuhang ipagtapat kay Jackson ang totoo. Tatanggapin niya ang kung anoman ang magiging kalalabasan ng magiging pagtatapat niya. Ito lang naman ang pagsasabihan niya. At least, may isang tao na makakaalam ng tunay niyang pagkatao.

At kung magiging positibo man ang pagtanggap nito sa kanya, mabuti. Pero kung hindi naman, wala na siyang magagawa. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang huwag ng maglihim dito. Naniniwala siya na ang lahat ng bagay ay nagkakalakip na gumagawa para sa taong naniniwala.

Ngayon pa ba siya susuko kung kailan alam na niya kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap?

Deep inside her, alam niyang makakayanan na niya kung anoman ang magiging resulta ng lahat. Handa na siya sa maaaring mangyari.

Sa paggising niya, nalaman niyang mahigit isang buwan rin pala siyang nakahiga lang at natutulog sa loob ng hospital. Malaki ang naging pasasalamat niya sa Dios dahil may mga taong hindi siya sinukuan, mga taong patuloy na umaasa at naniniwala na makakabalik siya. At siya mismo ay malaki ang pasasalamat sa Dios dahil binigyan siya ng isa pang pagkakataon na makasama ang mga mahal niya sa buhay.

Ngayon ay wala ng pagrereklamong nararamdaman si Lucille sa pagiging possessive nitong si Jackson. Wala na siyang pakialam kung palagi man nitong binabantayan ang mga kilos niya, maging ang mga taong nakakasalamuha niya. Doon din kasi niya ganap na na-realize kung gaano siya ka-swerte at merong ganitong klase ng lalake ang nagmamahal sa kanya.

Kung dati ay tinatanggihan niya ang mga alok nitong pumasyal sa mall, ngayon ay hindi na. Walang pagdadalawang isip na tinatanggap niya ang paanyaya nito.

Magkahawak pa ang mga kamay nilang dalawa habang umaakyat ng scalator.

"Bakit napaka-extra sweet mo ngayon? Hindi ako sanay ha," panunudyo ng lalake.

"Hayaan mo na. Ayaw mo nun, mas lalo kang mai-inlove sa akin at hindi mo na kailangan na lumingon pa sa iba," aniya na binuntunan pa ng kiming tawa ang sinabi.

"What?! So, sa mga sandaling ito pala ay iniisip mo na kaya kong magtaksil sa'yo?" mulagat namang bwelta ng lalake.

"Nope!" natatawa at napapailing namang sagot ni Lucille. "I'm just teasing you. Naniwala ka naman sa akin."

"Ano, at kailan ka pa natotong paglaruan ang mga salitang lumalabas sa bibig mo?"

"Ngayon lang. Gusto ko lang na makita ang reaksiyon ng mukha mo."

"Mula nung magising ka, naging mas lalong weird na ang mga kilos at pananalita mo. Siguro napanaginipan mong iba ang kasama ko nuh?"

Napalis naman ang ngiti sa mga labi ni Lucille sa sinabi nito. Wala sa loob na napatingin siya dito.

If you just know! Bulong niya sa isip.

"So, ano ang gagawin natin ngayon?" pilit na ibinabalik ng dalaga ang sigla sa boses niya.

"The usual. Maglalakad, mamimili, kakain at higit sa lahat gusto kong subukan ang photo booth nila rito," masigla namang sagot ng lalake. Kaya naman napapatango na lang si Lucille. She actually liked the idea of doing those things.

Mahigit dalawang oras din ang inilagi nila sa loob ng mall bago natapos ang mga binanggit ng lalake.

Napapangiting isinilid ng dalaga sa loob ng wallet niya ang sarili niyang kopya ng picture nilang dalawa ni Jackson. Lingid sa kaalaman ng lalake, dalawang araw mula ng makalabas ng hospital si Lucille ay gumawa siya ng sampung to do  list sa personal sketchpad niya.

My Time With You (Completed)Where stories live. Discover now