Chapter 2: A dream within a dream

434 105 200
                                    

   "A dream is a wish your heart makes." by Walt Disney 

****************************** 

Biglang naalala ni Lucille ang panyong ibinigay ng matandang babae sa kanya. Mabilis niyang inilabas at inilatag sa ibabaw ng kama ang laman ng bag niya.

Napahugot ng malalim na paghinga si Lucille nang matagpuan itong nakahalo lang sa mga gamit niya.

Kinuha niya ito at inilapit sa dibdib niya saka nahiga ulit. Akala niya ay naiwala niya ito.

Ilang minutong ipinikit ni Lucille ang mga mata habang hawak-hawak sa kamay ang panyo habang ibinabalik sa alaala ang mga nangyari sa nagdaan. 

Hindi naman niya ikinakaila ang mga pagkakamaling nagawa pero sapat na siguro ang mga napagdaanang hirap at sakit para tigilan na siya ng mga tao sa paligid niya. Wala siyang karapatan na mag reklamo dahil inaamin naman niyang may kasalanan siyang nagawa.

Kasalanan niya nang napabayaan niya ang kanyang pag-aaral dahil sa matinding hinanakit sa ama. Pumanaw ito na hindi man lang naaayos ang problema nilang pamilya. At hindi lang 'yon, nagrebelde siya nang magsimula siyang kutyain ng kanyang mga kaklase at layuan ng ilang mga kaibigan dahil nalaman ng mga ito na anak pala siya sa labas.

Gusto lang naman sana niyang ipakita na matapang siya at hindi siya dapat na kutyain ng kahit na sino.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakamali ay nakalaban niya ang anak ng kanilang dean. Naitulak niya ito sa hagdanan ng hindi sinasadya dahil sa kagustuhang maipagtanggol ang sarili. Nagkaroon ito ng mild injury at na confine sa hospital.

Dahil sa misconduct na nagawa, natanggalan siya ng scholarship. Dahil sa walang sapat na pera ang kanyang ina para ipangtustos sa pag-aaral niya, napilitan siyang huminto sa pag-aaral para maghanap-buhay.

Seventeen years old lang siya nun, masyadong aggressive ang takbo ng pag-iisip. Gumagawa ng mga bagay na hindi pinag-iisipan ng mabuti. At kung may natutunan man siya sa mga pagkakamaling nagawa niya, 'yon ay ang huwag magmadali sa anomang bagay, malaki man o maliit, dapat ay pinag-iisipan muna ng mabuti bago gawin.

Nang makabawi sa sakit ng loob na nadarama, saka lang napagpasiyahan ng dalaga na maglinis ng katawan. Naupo sa may dulo ng kama ang dalaga saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Malungkot ang buhay niya, 'yon ang napagtanto niya nang mawala ang mama niya.

Colon cancer ang ikinamatay ng mama niya. Ang pagrerebelde niya noon ay nakadagdag lang sa sakit ng mama niya na siya ring sanhi kung bakit mas napaaga ang pagkawala nito. Huli na para mapagsisihan niya ang mga nagawa. Wala na ito. Wala na siyang mahihingan ng tawad. Gusto niyang bumawi sa mga nagawa niya dito noon, pero ang tanong ay kung papaano? Wala na siyang chance na gawin ang bagay na 'yon dahil wala na ito.

If she just can turn back time ay gagawin niya, makabawi lang sa mga taong nasaktan niya ng labis lalong-lalo na ang mama niya.

Nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura ay saka lang napagpasiyahan ng dalaga na bumaba ng kusina para kumain. 

Nang mahiga ulit ay muling tiningnan ni Lucille ang panyo.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit naaakit ang mga mata niyang titigan ito. Tila may kung anong enerhiyang parang gustong humila sa katauhan niya na pagmasdan ang nakaburdang ibon. Sa ilang minutong pagtitig dito ay napakunot ang noo niya. It looks so real, noon lang siya nakakita ng ganoong klaseng embroidery. 

Parang totoo. Parang buhay ang ibon na nakapatong sa bulaklak.

Pinasadahan niya ng palad ang nakaburdang ibon. Saka napapitlag siya nang maramdaman ang lambot ng katawan nito. Parang totoong katawan ng ibon. Muli ay pinagmasdan niya ang larawan. Kagaya kanina, gawa pa rin ito mula sa sinulid, sa isang mamahaling sinulid.

My Time With You (Completed)Where stories live. Discover now