Chapter 26: Glitch!

112 14 2
                                    

Katatapos lang ng huling subject ni Lucille ng umagang 'yon. Usapan nilang dalawa ni Jackson na magkita sa cafeteria para sabay na silang kumain kasama nung iba pang kasali sa team. Kasalukuyan na siyang naglalakad sa mahabang pasilyo papuntang cafeteria.

Ilang minuto ang nagdaan nang napatigil sa paglalakad si Lucille, may napansin kasi siyang gulo sa pagitan ng dalawang gusali na sana ay dadaanan niya.

"Santa santita ka pala eh!" gigil na bulyaw nung isang matangkad na babae sabay tulak sa kaharap nito na sinundan naman ng dalawang kambal na sampal ng kasama nitong dalawa pang babae.

Lihim na napaigik si Lucille. Pakiramdam niya ay ramdam ng buo niyang kalamnan ang sakit na dulot ng malakas na sampal ng mga ito.

Apat na estudyanteng babae ang nakikita niya, ang isa ay napapagitnaan ng tatlo. Hindi niya masyadong mamukhaan ang kinakalaban ng mga ito dahil nakatalikod ito sa kinaroroonan niya.

Hay, mga bullies. Napapailing nalang si Lucille, hindi niya aakalain na may masasalubong parin pala siyang mga bullies sa lugar na 'yon.

Mga insecure at mga walang magawa sa buhay lang ang gagawa ng ganitong kababawan. Muli ay napailing nalang siya.

Gusto na sana niyang magpatuloy sa paglalakad. Ayaw niyang mangialam sa away ng mga ito kung wala siyang ideya kung ano ang pinag-aawayan nila. In short, ayaw niyang makigulo!

Pero curiousity ang nagtulak sa kanya na manatili sa pinagkukublihan at makiusyuso.

"Kunwari ka pang mabait pero may itinatago ka naman palang sama ng ugali!"

"Wala ka na ngayon oy, sirang-sira na ang imahe mo sa mga estudyante dito. Alam ng lahat ang ginawa mong panunulak kay Lucille nung gabi ng aksidente  Kung hindi ka lang anak ng dean, tiyak na napatalsik ka na rito sa school!"

Walang humpay na pinagsasabunutan ng mga ito ang buhok nung babae saka pinagsasampal. Ganoon na ba ka gigil ang mga babaeng ito para gawin nila iyon?

Hay, hindi pwedeng hindi ako mangialam sa pinaggagawa nila. Hindi pwedeng tumayo nalang ako dito at walang ginagawa. Gigil na rin ang isipan ng dalaga na sugurin ang mga ito.

Kaya naman hindi na napigilan ni Lucille ang sariling hindi mangialam, lalo na ngayon na parang nakikita na niya na sobra na ang pasakit na ginagawa ng tatlong babae.

"Cheska, ilabas mo nga 'yong inihanda natin para sa basurang ito," utos nito sa katabi.

Isang balde na puno ng magkahalong bulok na itlog, putik, iba't ibang klase ng bulok na mga gulay ang balak ng mga ito na ibuhos sa kanya.

Anak ng dean? Biglang pumasok sa isip ni Lucille ang mukha ni Lea. Hindi pwedeng si Lea ang inaaway ng mga kutong-lupa na 'to.

Sa isiping 'yon ay nagmamadaling tinakbo ni Lucille ang kinaroroonan nila.

Bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanya noon. At alam niya ang pakiramdam ng pinagkakaisahan at pinandidirihan ng kapwa niya estudyante. Ayaw niyang maramdaman iyon ni Lea. Ayaw niyang maramdaman ng babae ang sakit na naramdaman niya noon.

At bago paman naibuhos ng mga ito ang laman ng balde ay agad niyang niyakap si Lea para iharang ang katawan niya dito.

Agad na napasingkap si Lucille nang maramdaman ang malamig at malagkit na likido na bumuhos mula sa kanyang ulo pababa sa likod niya. Walang nagawa si Lucille kundi ang ipikit ang mga mata habang tinitiis ang masangsang na amoy ng likidong bumabalot sa buo niyang katawan.

"Whoa! Anong pagpapakabayani ito?" pang-aasar nung sa tingin niya ay lider ng grupo.

"Kaplastikan! Pareho kayong mga plastic! Hoy Lucille, huwag ka ngang magpakabayani at magbait-baitan, hindi bagay sa'yo! Dapat ka pa ngang magalit sa babaeng 'yan dahil siya naman ang dahilan kung bakit ka nadisgrasiya di'ba! Kasi itinulak ka niya!"  anitong itinulak siya sa balikat.

My Time With You (Completed)Where stories live. Discover now