Chapter 35: Everything Changes!

111 9 0
                                    

"The love we have that just can't be found."

****************************

"Lucille, pakisamahan sina Joey at Manong Tonio na i-deliver ang mga bagong dating na libro sa isang university. Alam na ni Mang Tonio kung saan pupunta, nasa kanya na ang address. Last week pa kasi ang order nilang 'yon kaya kailangan ng mai-deliver ngayon. Nag-leave kasi si Ellaine kasi manganganak na 'yong kapatid niya kaya hindi siya natuloy sa pagde-deliver nito. You know what to do, dati mo na rin namang ginagawa ito, hindi ba?" nakangiting utos ng manager nila.

Ginanti na rin ng ngiti ni Lucille ang ginang. Naabutan niya sa parking area sina Manong Tonio at Joey. Nakahanda na ang mga ito sa pag-alis, siya nalang ang hinihintay.

Mga dalawang oras mahigit din na byahe mula sa mall ang university na sinasabi ng manager nila.

Nangunot ang noo ng dalaga nang pamilyar sa kanya ang daan na tinatahak nila.

"Saan po tayo manong?" hindi maiwasang tanong niya kay manong Tonio.

"Zaragoza State University," kaswal na sagot nito habang tahimik na tinatahak ang daan papasok ng gate.

Nahigit ng dalaga ang kanyang paghinga nang tumambad sa kanyang harapan ang pamilyar na lugar na 'yon. Isang butil ng luha ang hindi niya napigilang maglandas sa kanan niyang mata nang muling magbalik sa kanyang isipan ang mga alaala sa lugar na 'yon.

Sa library ang deretsong tungo nila. Nauna ng pumasok si Lucille para kausapin ang librarian tungkol sa ilang mga bagay. Tinutulungan naman ni Joey si Manong Tonio na maipasok ang limang kahon ng libro sa loob.

Natigil sa paghakbang si Lucille nang mahagip ng kanyang paningin ang nakatalikod na ginang. Pinagsawa niya muna ng mga mata na tingnan ito. Ganoon pa rin ito, balingkinitan pa rin ang katawan, may iilang piraso ng puting buhok na ngalang ang ulo nito.

Mula sa pag-aayos ng ilang aklat ay lumingon ito sa kinatatayuan niya. Ang ganda pa rin ng ginang.

Tipid itong ngumiti nang makita siya.

"Yes?"

"Ah yeah," naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo para ibalik sa kasalukuyan ang isip niya. "Dumating na po ang mga order niyong libro ma'am. If you don't mind ay may papapermahan po ako sa inyong ilang papel," anang dalaga.

Patuloy pa rin niyang tinitingnan ang ginang habang nakayuko itong binabasa ang ibinigay niyang papel.

"Kapag naipasok na po ang lahat ng mga boxes ay pwede niyo pong i-double check po ang laman nun ma'am para malaman niyo po kung meron pa po bang kulang o kung meron po kayong pwede na idagdag," aniya.

"O sige," sagot nito saka saglit siyang tiningnan.

"Okay lang po bang maglibot sa loob ng library po ma'am?" Hindi napigilang tanong ni Lucille na noon ay atat na makita muli ang loob ng library. Sana ay pumayag po kayo?

"Of course," masaya namang sagot nito.

"Thank you po ma'am."

Hindi alam ni Lucille kung bakit ganoon nalang kasaya ang puso niya sa simpleng pagpayag nito sa hiling niya.

Kahit ang mga paa niya ay masayang humakbang papasok sa loob ng library.

Sinalubong agad siya ng mga nakayukong mga estudyante na noon ay abala sa pagbabasa ng iba't ibang libro. May mga nakikita rin siyang iilang mga estudyante na nasa harap ng counter para manghiram o di kaya naman ay magsauli ng libro.

Habang pinagmamasdan niya ang mga nangyayari sa loob ng library ay unti-unting bumabalik sa kanyang isipan ang mga kasiyahang naranasan niya doon kasama sina Gina. How she wish na mabalik ulit ang mga 'yon. Gusto niya ulit makita ang nakangiting mukha ni Gina habang nag-aayos ito ng aklat sa loob ng shelves.

My Time With You (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن