Chapter 34: What it means to me!

128 10 1
                                    

"If it is you, I will be gladly be your stalker."

*****************************

Isang linggo narin ang nakaraan mula ng magbalik sa kasalukuyan si Lucille. Masakit man pero pilit na niyang tinatanggap ang katotohanang ang lahat ay maaaring panaginip lamang at panahon na para sa kanya ang magising sa katotohanan na hindi lahat ng bagay na inaasam natin sa buhay ay pwede nating makuha.

Masakit man pero kailangan niyang tanggapin - na hanggang doon nalang ang ugnayan nilang dalawa ni Jackson! May magagawa pa ba siya kung ang tadhana na mismo ang kumakatok sa pintuan niya at nagsasabing wala na siyang magagawa para maulit ang mga nangyari na? Masakit mang isipin pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na napagkaitan nga talaga siya ng tadhana.

---------

Nagdaan ang mga araw, linggo, at buwan na wala paring nangyayari.

Wala siyang ibang magawa kundi ang makisama sa daloy ng buhay. Inaamin niyang mas nangungulila siya sa mga taong iniwanan niya pero alam din niyang ang mundong ginagalawan sa kasalukuyan ang mundong para sa kanya.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang babae.

Nakadungaw sa bintana ng kanyang inuupahang silid si Lucille. Nakatingin sa madilim na langit at matamang tinitingnan ang nagkikislapang bituin.

Maaari kayang panaginip lang ang mga nangyari?

Imahinasyon ko lang kaya ang mga 'yon?

Kung gaano kalapit tingnan ang bituin ay ganoon naman ito kalayo kung abutin at ganoong-ganoon kalayo ang nararamdaman ni Lucille na pagitan nilang dalawa ni Jackson ngayon.

"Lord, please help me! I may sound selfish but please let me have another chance na makasama ang mga taong mahal ko. I just can't take this pain anymore," mangiyak-ngiyak na usal ni Lucille habang patuloy na pinagmamasdan ang kalangitan. "Kung lilipas man ang isa pang buwan at wala pa ring mangyayari, sige po tatanggapin ko po ang kapalaran na nakalaan sa akin. I won't complain anymore. Just this time. Please po, ibalato Niyo po sa akin ang pagkakataong ito," patuloy niya.

Matamlay ang katawang lumapit sa kanyang kama si Lucille. Tulala ang diwang nakatitig sa kisame habang sinusubukang ipikit ang mga mata para matulog. Baon sa kanyang pagtulog ang pag-asam na sana kinabukasan ay magiging maayos na ang lahat.

--------

Isang linggo pa ang nagdaan. Sa kagustuhang maibsan ang kalungkutan na kanyang nararamdaman ay natagpuan na lamang ni Lucille na ini-stalk ang profile ni Jackson. Sinusubukan lang naman niya kung makakapasok siya sa account nito. Gusto lang niyang kumbinsihin ang sarili niya kung nag-e-exist ba talaga ito sa mundo niya o hindi.

Halos maiyak ang dalaga dahil sa sobrang tuwa na makita ito kahit sa apat na sulok lamang ng cellphone niya. Hindi naman kasi niya inaasahan na ang Jackson na nakilala at nakasama niya ay ang Jackson na na-encounter niya sa kasalukuyan. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi naman siya nakikilala nito. Isa na lamang siyang estranghero sa mga mata ng lalake.

Hindi niya ugali ang mang-stalk pero kung si Jackson ang involve ay gagawin niya. Desperada mang maituring ang naging hakbang niya, bahala na kung 'yon lang ang makakapagpasaya sa nangungulila niyang puso.

Gabi-gabi pagkagaling sa trabaho ay wala siyang ibang inaatupag kundi ang cellphone niya. Dati-rati naman ay hindi siya nahilig magbabad sa cellphone niya, minsan kung bored sa buong maghapon ay inaabala niya ang sarili sa panonood ng mga music videos sa youtube at pagbabasa ng mga latest issues. Pero sa linggong iyon ay nagkaroon ng ibang diversion ang routine niya, si Jackson!

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon