Chapter 15: Positioning!

152 12 4
                                    

"Go confidently in the direction of your dreams. Live the life you have imagined."

******************************

Araw ng linggo. Gaya ng sabi ni coach Bernard na siya ang hahawak at magti-train sa mga freshmen kaya nandoon siya sa loob ng court. Ang usapan nila ng mga freshmen ay ala-una ng hapon. Quarter to one in the afternoon ay naroon na siya. Habang hinihintay niya ang pagdating ng mga players ay ibinuhos na muna niya ang sarili sa pagre-review nung ginawa niyang arrangement. Tinitingnan niya kung may nakaligtaan ba siya o di kaya ay na-overlook.

Ilang minuto pa ang lumipas ay isa-isa ng nagsidatingan ang mga kasamahan niya. Nakasuot na ang mga ito ng jersey at shorts, naka-sapatos na rin. Talagang handang handa na sa laban. Masayang sinalubong niya ang mga ito.

Nagbatian muna sila tapos puwesto na sa gitna ng court.

"Alam kong napilitan lang ang ilan sa inyo rito," umpisa ni Lucille. "But I will make it sure na hindi niyo ito pagsisisihan. Bago tayo magsimula ay bibigyan ko na muna kayo ng limang minuto para mag-isip kung papayag ba kayo na ang isang babae na tulad ko ang magsasanay sa inyo. Dahil kung hindi niyo naman gusto, bukas ang pinto at malaya kayong makakalabas at magsanay ng kayo-kayo lang. Don't worry hindi ko naman kayo isusumbong kay coach," mahinahong sabi niya.

Naupo na muna sa isang  bench si Lucille. Pinagmamasdan lang niya ang pag-uusap ng mga ito. Sa loob loob niya ay nag-aalala siyang baka hindi siya pagkatiwalaan ng mga ito. Pero naisip din niya na ayaw niyang malagay sa kompromiso ang mga ito. Ang gusto niya ay bukal sa loob ng mga ito ang paglapit sa kanya.

Limang minuto ang nagdaan. Tanging si Nicolo lang ang nakita niyang lumabas ng court. Magalang naman itong nagpaalam sa kanya. Nginitian niya ito bago ito tuluyang lumabas.

"So, umalis na sa inyo ang isa, may susunod pa ba? Bibilang ako ng sampu para last chance ninyong makapamili at kapag natapos ang sampu at mananatili pa rin kayo rito, ibig sabihin nun ay ipinauubaya niyo na nga sa akin ang mga sarili ninyo?" Muling sabi niya. " Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, siyam at kalahati, sampu." 

Natapos ang pagbibilang niya na hindi umaalis ang natitirang siyam. Napabuntong-hininga siya bago muling nagsalita. "Are you ready?! Hindi na ako magsasalita ng marami , saka na kapag natapos ang unang araw ng training natin. I'll let you decide afterwards."

Pumwesto sa may circle si Lucille hila-hila ang ball cart. Pinalakad na muna ni Lucille ang siyam sa loob ng court for ten minutes para sa first warm up tapos pinatakbo for five minutes. Hawak-hawak sa kanang kamay ang stopwatch at sa kaliwang kamay ang notepad.

Ang sumunod na pinagawa niya ay stretching then push ups at iba pang basic na mga warm ups bago ang shooting at dribbling.

Inabot ng forty-five minutes ang kabuoan ng basic warm up. Humihingal ang mga ito nang huminto sa harap niya.

"Tapos ngayon ay humanap kayo ng ka-partner niyo para sa chest pass maliban sa'yo Jiro. Since odd numbers naman kayo kaya ikaw ang hindi sasali sa chest pass. Dribbling ang gagawin mo ngayon. Doon ka muna mag-focus, I will tell you the reason why later," aniya saka inihagis dito ang dalawang bola.

Habang ini-execute ng iba ang paggawa ng chest pass ay itinuon naman ni Lucille ang atensiyon niya kay Jiro. Sinamahan niya ito sa gitna ng court para malayo sa ibang player. 

"Mag dribble ka sa loob ng limang minuto gamit ang dalawang bola sa magkabila mong kamay. After five minutes, another five minutes naman ay ang pag-dribble ng salitan sa dalawang bola. Pagkatapos, bitawan mo 'yong isang bola para makapag-focus ka naman doon sa paggawa ng cross-over between your legs, another five minutes din 'yon. At kapag naramdaman mo na ang bigat nung bola sa mga daliri mo, doon ko naman ihahagis sa'yo itong hawak kong tennis ball. Ilagay mo ito sa weaker hand mo para masanay ang kamay mo na humawak ng bola. Habang nagdi-dribble 'yong isa mong kamay, 'yong weaker hand mo naman ang gawin mong pangsalo nung tennis ball. Sa ganoong paraan ay magkakaroon ka ng focus sa paghawak nung bola. Naiintindihan mo ba, Jiro?"

My Time With You (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz