Chapter 17: Caught Off-Guard

122 17 4
                                    

"Don't worry, just breath. If it's meant to be, it will find its way."

******************************

Ilang araw na ring nagkakailangan sina Lucille at Jackson. Parehong nag-iisip kung anong lapit ang pwede nilang gawin para bumalik sa normal ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Sa parte ni Jackson ay nanatili ang katotohanang ayaw niyang bawiin ang nasabi na rito noong mga nagdaang gabi. Totoo naman kasi ang sinabi niya na gusto niya ito. Ang pino-problema lang niya ngayon ay kung papaano ito lalapitan na hindi magiging awkward ang sitwasyon nila.

It's been his first time na magtapat sa isang babae. Ang nakakahiya pa doon ay hindi naman siya sigurado kung may pagtingin din ito sa kanya. Hay dyahe! Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng isang umaasa. Hindi pala madali ang magtapat ng damdamin na wala ka man lang kasiguruhan kung gusto ka rin ng taong pinagtatapatan mo.

Sa parte naman ni Lucille. Wala na siyang ideya kung ano ang gagawin niyang paglapit kay Jackson ngayong nagtapat na ito sa kanya. Kailangan niyang iparamdam sa lalake na hindi siya ang babae para rito. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang posibilidad na kahit anong oras ay pwede siyang mawala sa panahon na iyon.


Alas-singko ng hapon ay ipinaalam niya sa team ang magiging bagong position ng mga ito para sa magiging laban nila sa mga seniors kinaumagahan ng Sabado.

"Whoa!" Napabuntong-hininga ng malalim ang dalaga nang humarap sa buong team. "Sa maikling panahon na pagsasanay natin ay malakas ang loob na masasabi ko sa inyo na malaki ang naging improvement ninyong lahat lalong-lalo na kay Jiro. Sa pagkakataong ito ay nailabas ni Jiro ang talagang husay niya sa basketball. Maybe it sounds absurd but I'm telling you na sa mga kakayahan niyo ngayon lalo na kung hindi kayo titigil sa pag-eensayo ay may panlaban na kayo tiyak sa mga seniors niyo. Maaaring hindi niyo man sila matatalo pero pwede ninyo silang mapantayan. At ilang practice pa ay tinitiyak kong makakaya niyo rin silang talunin."

Mataman lang na nakikinig ang mga freshmen.

"So, this will be your position," ani Lucille matapos iharap sa kanila ang hawak niyang notepad. "At bago kayo mag-react sa anomang nakasulat dito ay ibigay niyo muna sa akin ang tiwala na kaya ko ito ini-arrange ng ganito ay dahil 'yon ang nakikita kong position kung saan mailalabas niyo ang galing niyo at malaki ang chances na mapapalaki ninyo ang scores ng team," paalala ni Lucille bago binasa ang isinulat niya doon.

"Sina Tyron at John Paul ang magiging center. Sina Nico at Ian naman ang para sa position ng power forward," umpisa ni Lucille. Hindi paman siya natatapos na basahin ang mga pangalan at position nila ay napapasuntok na sa hangin at napapalundag ang mga una niyang tinawag. "Ang magiging small forward naman ay sina Jiro at Noel."

Napangiti siya nang makitang napamulagat si Jiro nang tawagin niya ang pangalan nito.

"Para naman sa magiging shooting guard ay sina Marlo at Nicolo. Kahit wala rito si Nicolo ay para sa kanya ang position na 'to kaya marapat lang na ibigay natin sa kanya ang position na 'to. At para naman sa magiging point guard ay sina Leo at Mark. So, that's it! Any objections?" nakangiting tanong niya.

Nagtaas ng kamay si Jiro.

"Yes, Jiro?"

"Hindi ba parang mabigat na trabaho 'yong pagiging point guard? Baka hindi ko 'yon magawa?" nag-aalalang tanong nito.

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo, Jiro?" balik-tanong ni Lucille sa binatilyo.

Napakamot ng ulo ang lalake.

"You'll see the result kapag isinama na kita sa laro ninyo ngayon," aniya saka hinarap ang ibang team.

"John Paul, Nico, Jiro, Marlo at Leo, kayo ang magiging magka-team and the rest kayo naman ang magkaka-grupo. Huwag niyo ng isipin kung wala man dito si Nicolo. Bagkus ay ipakita natin sa kanya bukas ang improvements ninyong lahat. So, position na sa court," ani Lucille matapos pinatunog ang whistle.

My Time With You (Completed)Where stories live. Discover now