Chapter XI: Not So Sweet

17 0 0
                                    

Trish's PoV

Two weeks passed at one week na lang ay levelling battle na. Ngayong gabi ang full moon kaya nasa Fairy Forest ako ngayon. Kailangan kong masummon ang Krystalia ko pati na rin makagawa ng wand.

Actually, wands are for wizards and witches only, pero since hindi pa namin alam ang powers namin, required kaming gumawa nito. Haist.

"Ayos ka lang, Trish?" Sam asked. "Kanina ka pa nagbubuntong hininga."

"I'm fine." I said as I smiled.

"Alam mo? Hindi pa rin ako sanay na madalas ka nang ngumiti." She replied.

"Well, masanay ka na. Kasi from now on, madadalas na ang pagngiti ko." Sagot ko habang nakangiti sa kanya.

Nagkibit - balikat siya.

"Are you guys ready?" Biglang tanong ni Adriana.

After ng two weeks na yun, naging close kamin lahat, except for Stephen, ofcourse. Hindi ko talaga alam kung anong problema nun. Laging nakasimangot. Tss. Naiisip ko pa lang siya kumukulo na ang dugo ko.

Tumango kaming lahat.

Si Adriana, siya ang ate ng lahat. Pinamumunuan niya ang group namin. Hindi siya bossy pero hindi mo din masasabing hindi siya naguutos. To tell you the truth, I like her personality. Mabait siya pero in a way na hindi niya pinapakita. I like her. I like everyone of them.

Is it bad na naaattach ako sa kanila? Alam kong pati si Sam ay ganito rin ang nararamdaman.

Tumingin ako sa taas. Sakto namang may dumaang bulalakaw. Pinikit yung mga mata ko.

Please help me.

Sakto namang pagmulat ko ay tumapat na ang sinag ng buwan sa magic circle namin kaya naghanda na kami.

"Lady of the moon, please help me with this
Please help me in picking the right fairies for me"

As we chanted, unti unting nagglow yung magic circle. Unti unting nagliwanag hanggang sa nagblack na lang bigla yung paningin ko.

***

I woke up in my room. Hindi ko alam ang nangyari, pero I can feel presence of someone in my room.

Iminulat ko ang mata ko at nagulat ako nang makita ko yung krystalia ko. Maliit lang siya kagaya ng mga fairies. Kulay rainbow ang pakpak niya na kumikinang sa di ko malamang dahilan. May blue eyes din siya atsaka maputi rin siya. Kulay pink ang mahaba niyang buhok. Napansin ko rin yung maliit na crown niya.

"Goodmorning, Princess." Sabi niya sabay bow.

"Umm, goodmorning." Sinubukan kong tumayo pero sumakit bigla yung ulo ko.

"I form this pact with you, Princess of Magicia
I, Lxione, the princess of Krystalium will be your partner for better or for worse
'Til the end of my life"

"Lxione." I called.

"Yes, Princess?" She answered.

Niyakap ko siya. Siguro this is the emotional part ng pact namin.

"Thanks." I muttered before falling asleep again. Siguro nasobrahan ako sa paggamit ng kapangyarihan ko.

Paggising ko, wala na si Lxione. Siguro nagbalik muna sa Krystalium. Nawala na ang sakit ng ulo ko kaya nagayos na ako dahil papasok na ako. 2 na ng hapon.

Pinonytail ko na lang yung buhok ko kasi nagmamadali ako.

Pagdating ko sa campus ay naabutan ko sila sa cafeteria, kasama nila doon si Stephen na tahimik lang habang kasama yung krystalia niya na tahimik rin.

ElementaliaWhere stories live. Discover now