Prologue III: Yin-Yang

23 0 0
                                    

Araw ng Eclipse.

"This is it!" Wika ng masamang hari na si Auxelios. "Papatunayan kong mali ka, Misty!"

Sa pagtaklob ng buwan sa araw ay siya ring pagiyak ng isang sanggol. Isang sanggol na magliligtas sa buong Magicia laban sa kasamaan ng hari ng kadiliman.

Namatay lahat ng ilaw sa loob ng kaharian ng hari. Tila isang nakabibinging sigaw ang iyak ng sanggol para sa kanya. Napatakip siya ng kanyang tenga dahil dito.

Sa pangalawang iyak ng sanggol ay nagilaw ang torch sa loob ng palasyo. Kasabay niyon ay ang paglabas ng kaluluwa ni Misty, na nakatingin sa hari. Walang itong sinasabing kahit na ano man.

"You think you've won, ha, Misty?" Parang nababaliw na tanong niya. "Sisiguraduhin kong mamamatay ang sanggol na iyon at kasabay nito ang pagbagsak ng Magicia, ang kaharian ng pinakamamahal kong kapatid!"

Nawala ang multo ni Misty, sabay tumawa ng isang nakakapanindig balahibong halakhak ang hari. Isang plano ang namumuo sa isipan niya.

Ang patayin ang prinsesa sa araw ng paglabas ng kapangyarihan nito.

Habang dumadaan ang panahon ay lumalaki na rin ang prinsesa. Sa ika - labing limang kaarawan niya ay nakatakda niyang ilabas ang natutulog na kapangyarihan niya. Dito naisipan ng hari na paslangin siya.

***

Fifteen years later...

"May sulat po sa inyo, mahal na hari." Sabi ng isa sa mga katulong nito.

"Iwan mo na lang diyan." Sabi ng hari nang hindi tumitingin dito.

Inilapag nito ang sulat sa table ng hari na kanina pa busy sa pagbabasa ng ibang mga sulat.

Napahawak sa sentido ang hari habang ibiniba ang sulat na kanina pa niya binabasa.

"Sana naman mabuting balita na 'to." Sabi niya habang bumuntong hininga.

Kinuha niya ang sulat na kararating pa lang at binasa ng mabuti.

'Para sa pinakamamahal kong kapatid, maghanda ka na dahil babalik na ako sa susunod na kabilugan ng buwan. I'll make sure this time na mananalo na ako laban sa iyo, Twin Brother.'

"Auxelios..." Ang nasabi na lang ng hari habang napahawak ulit sa sentido niya.

Ano naman kayang plano nito?

***

Sa room ng magic council, pinag - uusapan nila ang banta na natanggap nila mula kay Auxelios, ang hari ng kadiliman.

Nagpaplano na sila ngayon kung paano matatalo ito...

"Mahal na hari..." Tawag ni Margaux, ang reyna ng Earth kingdom. "Anong gagawin natin?"

The king sighed.

"Kailangan nating pigilan si Auxelios." Sabi nito. "Palikasin ninyo lahat ng mamamayan at papuntahin sa Earthos. Mas magiging ligtas sila roon."

Tumango naman ang mga hari at reyna sa sinabi ng hari. Ang Earthos ang may pinakamalakas na depensa sa lahat ng lugar sa loob ng Magicia. Siguradong hindi ito mapapasok ni Auxelios.

"Ikaw Fire-" Naputol ang sasabihin ng hari nang biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Axel na kanyang kanang kamay.

Hingal na hingal ito at halatang pagod na pagod.

"Anong nangyari, Axel?" Tanong ni Haring Avery ng Electric Kingdom.

"Umatake na po si Haring Auxelios." Pagbabalita nito. "Kasalukuyang sinisira ng mga Hypherion ang tarangkahan natin..."

ElementaliaWhere stories live. Discover now