Chapter IV: Tower of Two Realms

17 0 0
                                    

James' PoV

Lumabas ang anim na lalaking naka - black cloak. Mga Hypherion.

Paniguradong ayaw kaming papuntahin ng mga 'to sa Magicia. Masisira kasi ang plano nila pag nagkataon. May maidadagdag na sa puwersa namin pero ang tanong, paano kami nahanap ng mga 'to?

"Hindi namin hahayaang makabalik kayo nang buhay sa Magicia!" Sigaw ng isa sa kanila.

Sinabi na, eh.

"Really?" I teased with a smirk.

Parang nainis naman yung mga Hypherion at bigla na lang kaming inatake.

"Cleverio Statico!"

Chant ng isa sa kanila. May pulang liwanag ang lumabas sa kamay niya.

Nabalutan ako nito. Isa 'tong dark spell na nagpapatigil sa paghinga ng kalaban na matatamaan nito.

Tss... Weak.

"Mistico Cleria!"

Iwinasiwas ko yung wand ko at agad akong nakawala sa spell na yun.

Normal class lang yung dark spell na chinant niya kaya agad akong nakalabas.

Kung A+ class yun, siguradong hindi na ako makakalabas dun...

Mukhang magiging interesting 'tong laban na 'to ah...

Four vs. Six. Sino kayang mananalo?

***

Normal PoV

Habang nakikipagbuno si James sa isa sa kanila, abala naman si Trish, na kinakalaban ang dalawang Hypherion.

Hindi siya gumagamit ng kahit na anong spell bagkus ay ginagamit niya ang kanyang katana na sinammon niya kanina habang walang kahit na sinong nakatingin.

Nag - smirk ang isa sa kanila.

"Inchantair Bremiro!"

Iwinasiwas ng isa sa mga kalaban ni Trish ang kanyang wand. Lumabas ang isang itim na liwanag at nagsimulang balutin nito si Trish, na walang ginagawa. Nakapoker - face lang ito.

Ang Inchantair Bremiro ay isang spell na naglalabas ng itim na liwanag. Babalutan nito ang kalaban hanggang sa hindi na ito makita. Kinukuha ng itim na liwanag ang magic power ng isang magic user papunta sa nag - chant ng spell hanggang sa wala nang matira dito at mamatay ito. Isa itong napaka delikado at napakalakas na dark spell. Class S+ ito.

Sa loob ng itim na liwanag, walang ginagawa si Trish. Nakapikit lang siya. Tila pinapakiramdaman ang paligid niya. Maya - maya pa, minulat niya yung mata niya tapos hiniwa ang itim na liwanag gamit ang isang kulay puting katana na nagliliwanag sa dilim.

"Imposible!" Hindi makapaniwalang bulalas ng isa sa mga kalaban niya.

"Tss..." She as she rolled her eyes. "Weak."

Sinamantala niya ang pagkakataon habang tulala pa ang kalaban niya.

Sinaksak niya ito sa may bandang puso na agad na ikinamatay nito. Agad na naglaho ang katawan nito na parang bula at naging itim na usok.

"Napaka - imposible!" Sigaw ng nag - chant ng spell. "Isang class S+ spell yun. Ilang taon ko ring inaral yun! How?!"

Naka - tingin lang sa kanya si Trish habang naka - poker face ito.

"Sino ka ba?!" The guy with the black cloak yelled.

"I'm Trisha Maine Selene Harper." She answered calmly. "Your greatest nightmare."

ElementaliaWhere stories live. Discover now