Chapter III: Towards Magicia

14 0 0
                                    

Trish's PoV

"G - Gaano pa ba... kalayo... yun?" Hingal na hingal na wika ni Sam.

"Bakit hindi na lang tayo magteleport?" Tanong ko.

"Oo nga?" Sam seconded.

"Hindi pwede..." Sabi ni James na diretsong nakatingin sa daanan.

"At bakit naman?" Sabay na tanong namin ni Sam.

"Kasi, unang - una mata - track tayo ng mga Hypherion." Sagot ni Joshua. "Pangalawa, ang Tower of Two Realms ay palipat - lipat. Ang mapa na ito lang ang kayang mag - locate dito."

I sighed.

Gusto niyong malaman kung gaano na kahaba ang nilakbay naming apat?

Well... Ganto yun...

***

"Trish..." Tawag ni Sam na hingal na hingal na.

Seriously? My bestfriend really needs to do some execise. Ang bilis niyang mapagod.

Huminto ako sa paglalakad. Alam ko na ang gusto nito. Gusto niyang mag - teleport na lang.

Hay... At dahil wala ako sa mood magsalita ngayon, ginamit ko na lang yung kapangyarihan ko.

Inimagine ko na nasa hagdanan kaming dalawa. Hinawakan ko yung kamay ni Sam tapos ilang saglit lang, nasa tapat na kami ng hagdan.

Wala namang tao kaya walang nakakita samin.

"Paano mo nagawa yun?" She asked. "Wala ka namang sinabing spell, ah?"

"My powers?" I answered.

"Ay. Oo nga pala." Sabi niya. "Teka... Bakit sa tapat lang ng hagdan?"

"Dahil kailangan mo ng exercise." Sabi ko tapos hinila siya papasok.

Fifth floor pa yung room nila James kaya matagal - tagal na lakad 'to.

Paniguradong hihingalin na naman 'to...

***

At tama ako... Hiningal nga siya.

Kasalaukuyang nasa tapat na kami ng dorm nila James kaya nag - doorbell na ako. Si Joshua ang bumukas ng pinto na nakangiti ng malapad habang nakatingin kay Sam.

Paniguradong may gusto si Joshua kay Sam. Halatang - halata kaya.

Crush din naman ni Sam si Joshua. Nababasa ko sa utak niya yun palagi, eh.

"Ahem." I cleared my throat.

Napatingin sakin si Joshua tapos ngumiti. He motioned us to sit in the couch.

"Can I use the bathroom?" I asked, making an excuse.

Kailangang magka - usap naman 'tong dalawang 'to nang ayos para magkakilala silang dalawa, isa pa, awkward.

"Nasa tabi ng kuwarto ni James." Sabi ni Joshua. "Pag may nakita kang sign na 'DO NOT ENTER', ibig sabihin yun na yung room ni James."

Tumango na lang ako at naglakad. Actually, hindi naman talaga ako nasi - cr, eh. Excuse lang yung sinabi ko sa kanila.

Nilibot ko yung dorm nila.

Maganda. Spacious. Triple ang laki sa room namin ni Sam.

"Hi." Nagulat ako nang may bumati sakin kaya napalingon ako sa likod ko nang biglaan.

Wrong move.

1 inch na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

I can feel his hot breath against my face.

ElementaliaWhere stories live. Discover now