Prologue I: The Bringing

44 0 0
                                    

"You should be killed!" Sigaw ng isang taong naka - black cloak using his hoarse voice. "Nilapastangan mo ang mahal na hari sa pagsisinungaling mo!"

Tumingin sa kanya ang babae. Maganda ito. Kulay porselana ang balat. Kulay asul, tulad ng langit ang magagandang mata at kasing itim ng gabi ang buhok nito na hanggang kalahati ng likod niya.

"I'm a seer. I never lied." She said. "Bakit ako magsisinungaling, ngayon?... Nakalimutan mo na bang ang mga seer ay hindi marunong magsinungaling?"

Malamyos ang tinig nito at kay gandang pakinggan na para bang isang napakagandang musika.

"Patayin siya!" Utos nang hari. "Hindi totoo ang propesiyang sinasabi mo!"

"Bahala kayo kung ayaw ninyong maniwala." Sabi nang babae na ngayo'y gumagawa na ng portal pabalik sa kanyang lugar. "You wanted to know the future at nung sinabi ko na sayo, ayaw mong maniwala."

Tinutukan siya ng mga espada, daggers at mga pana, tila ba ang boung hukbo ng Hypherion ay nakahanda na siyang patayin.

"Do you think, makakaalis ka dito ng buhay?" The dark king said.

"You can't kill me." Sabi ng babae.

"You think I can't?" Biglang sabi naman ng hari. "Kill her."

Lahat ng mga kagamitan ay pinakawalan sa direksiyon niya at pati na rin ang mga Hypherion ay inatake siya na naging dahilan ng pagkamatay niya. Nawala din ang portal na ginagawa niya.

"Tanga ka, Misty." Sabi ng hari. "Sayang naman ang maganda mong mukha."

"I know this would happen..." Bulong ni Misty na naglalaho na ng tuluyan ang katawan.

Tumawa ng makapanindig balahibo ang hari.

Pero.

Napatigil siya nang marinig muli ang propesiyang binanggit ng babae. Nag - echo ang boses ni Misty sa boung kwarto.

Isang bata ang isisilang sa araw ng eclipse
Ang batang ito ang magtataglay ng di masukat na kapangyarihan
Siya ang makakapigil sa paghahari ng kadiliman
At makakapanumbalik ng kapayapaan

Nawalan ng kulay ang mukha ng hari.

"Nakakainis ka, Misty!" Sigaw nito. "Nasaan ka?!"

Pinahalughog niya sa kanyang mga kawal ang boung lugar pero hindi nila nakita ang babae kahit saan.

"Magpakita ka!" Sigaw nito.

In the end, pinatigil na lang niya ang paghahanap dahil talagang wala na talaga ito.

Mga ilang araw ang lumipas, nakapag - isip ng plano ang Hari. Nawala na sa kanyang isip ang propesiyang binanggit ng seer na si Misty.

"Gusto kong lusubin ninyo ang Magicia ngayon at patayin niyo ang kahit sinong makita ninyo." Sabi nang hari habang papaupo sa kanyang trono. "Gusto kong mag - iwan ng babala sa pinakamamahal kong bunsong kapatid."

Sinunod ng kawal ang nais nito at pumunta na sa Magicia. Hawak - hawak ang mga armas nila at armado na rin nang mga spells at magic.

ElementaliaWhere stories live. Discover now