Prologue II: It Started

26 1 0
                                    

"Princess Crystal!" Tawag ng isang batang lalaki, around fifteen years of age.

Princess Crystal giggled.

Tinataguan niya kasi ang batang lalaki para gulatin ito.

"Boo!" Panggugulat niya dito pero hindi man lang ito nagulat.

"Tss..." Wika ng bata tapos naglakad na papuntang garden.

"Uy. Prince Stephen." Tawag niya sa prinsipe habang hinahabol ito.

Ang bilis kasing maglakad nito.

"Niloloko lang naman kita, eh..." She exlained as she pouted. "Sige, ganyan ka..."

Tumigil siya sa paghabol dito at sinimulang maglakad sa opposite direction.

Nagulat siya nang biglang may magtakip sa mata niya.

"Prince Stephen..." Banggit niya.

Tinanggal naman ng prinsipe ang kamay niya sa mata ng prinsesa.

"Nakakainis ka." Sabi nito tapos inunahang maglakad ang prinsipe.

The prince laughed tapos hinabol si Crystal papuntang garden. Naupo sila sa swing doon, walang kamalay - malay sa mga mangyayari sa kanilang paligid sa araw na iyon...

***

"Nasaan sila Air?" Tanong ng batang babae sa kanyang kababata.

"Ewan ko." Sagot naman nito. "Baka nag - gagala sa loob ng palasyo o di kaya ay tulog."

Napatawa ng malakas si Crystal.

"Brick?" Biglang sabi ni Stephen na di makapaniwala.

Nakatitig si Brick sa kawalan habang naglalakad papalapit kina Crystal at Stephen.  Kumaway sa kanya si Crystal ngunit hindi siya nito kinawayan pabalik. Nagtaka naman ito sa inakto ng kababata.

Kilala niya si Brick. Masayahin ito at palabati sa kahit na sino mang makita niya. Kahit na mga guwardiya at maids ay binabati nito. Samantala, si Stephen naman ay nakakahalata sa ibang kinikilos ni Brick kaya pumunta siya sa harapan ni Crystal para takpan ito.

"Brick..." Tawag ni Prince Stephen ngunit hindi siya sinagot nito.

May nilabas si Brick mula sa kanyang bulsa, isang dagger. Sasaksakin sana niya si Stephen ng maka - ilag ito.

"Brick!" He called. "Wala ka sa sarili mo!"

Ngumiti si Brick. Isang mala - demonyong ngiti na nakapagpataas sa balahibo ng dalawang bata.

Stephen winced. Naguguluhan na din siya sa mga nangyayari. Si Crystal naman, nakatitig sa dalawang naglalabanan. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Gulong - gulo siya sa mga ito at wala siyang magawa kundi tingnan lang ang dalawa niyang kababata na walang tigil na nagaaway.

'Ano bang nangyayari?' She thought.

***

"Ano ba, Brick?!" Fire yelled as he dodge one of Brick's attacks. "Wala ka sa sarili mo!"

Hindi nagsasalita sa Brick, bagkus ay nagiismirk lang ito. Tila ba may demonyong sumapi dito.

Samantala, naiinis naman si Stephen sa sarili. Naiinis siya kasi puro ilag lang nagagawa niya dahil wala siyang weapon na dala. Ni hindi niya maprotektahan si Crystal.

Biglang sinipa ni Brick si Stephen sa tiyan, dahilan para tumilapon siya sa isang puno. Hindi na halos makagalaw ito dahil sa pinsalang natamo niya.

Tumingin si Brick kay Stephen tapos ngumiti ng mala - demonyo. Pagkatapos nito, tumakbo siya sa direksiyon ni Crystal. Napatulala ang batang babae at parang nag - slow motion ang lahat sa paligid niya.

ElementaliaWhere stories live. Discover now