CHAPTER FOURTY-FIVE

8.1K 200 37
                                    

BEGINNING OF A HAPPY ENDING

(DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

"She's fine, the child's fine. You need to calm down now, Lawrence."

Iyon ang mga salitang nakapagpagising muli kay Cyan mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Nagmulat siya ng mga mata at hinayaang makapag-adjust iyon sa liwanag. Sa una ay nanibago pa siya dahil ibang kulay ng dingding at kisame ang bumungad sa kanya, bago niya nakita ang mga pamilyar na portrait na nakasabit sa dingding na nagsasabing nasa loob siya ng kwarto nila ni Lawrence sa pack house. Nakaramdam siya ng tuwa pagkakita sa pamilyar na lugar. Inilibot ni Cyan ang tingin at nakita ang dalawang lalaking nag-uusap malapit sa nakabukas na pinto.

Nakilala niya agad sina Lawrence at si King Zafrix.

"I can't believe that she still managed to escape from our clutches and almost harmed my son and wife," gigil na sabi ni Lawrence kahit na pa pilit na nagpapakalma dahil nasa harapan ito ng hari.

Nakaramdam ng pag-aalala si Cyan nang dahil sa narinig. Bakit ganito? Bakit tila ayaw matapos ng mga problema nila? Sino iyong nakatakas? Sino iyong umatake na muntik pa silang masaktan ng anak niya?

Ang anak niya... Lawrence said "our son". Sa kabila ng pag-alala ay nakaramdam ng tuwa si Cyan. Their son, their child is a boy, and he is alright...

"Hindi natin inaasahang lahat ang nangyari. My men are already following after her trails. But for now, you need to focus on taking care of Cyan and your son," kalmadong bilin ni King Zafrix dito.

Sabay na lumingon ang dalawa sa kinaroroonan ni Cyan dahil doon. Halatang nagulat pa ang mga ito nang makitang gising na siya. Mabilis na nagliwanag ang anyo ni Lawrence pagkakita sa kanya. Lumapit ito agad kasunod si King Zafrix na suot din ang isang tipid na ngiti na hindi pa rin umaabot sa malalamig nitong mata.

"Glad you're awake, love," sabi ni Lawrence habang nakangiti at hinagkan siya sa noo.

"What's going on?" tanong niya nang makalapit si Lawrence.

"There was some trouble, but do not worry yourself about it. Ligtas ka na at ang anak natin," sagot ni Lawrence suot pa rin ang isang pilit na ngiti.

Cyan stared at Lawrence for a few moments, trying to read him. Gusto niyang malaman kung ano man iyong nakakapagpabagabag dito. Hindi na ito muli pang nagpaliwanag. Halatang ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol doon. Ilang minuto matapos ang kanilang tahimik na pagtititigan ay nagpakawala siya ng buntong-hininga. Naisip niyang saka na lamang niya muling aalamin ang tungkol doon at tumango nalang bilang tugon dito.

Cyan sat up on the bed and Lawrence helped her up immediately.

"Congratulations on successfully giving birth to your son, Luna Cyan?" bati no King Zafrix.

Cyan smiled up at the King. "Thank you, King Zafrix," she answered politely.

"I am very much sure na magiging isang mabuting Alpha rin ang anak ninyo ni Lawrence pagdating ng panahon."

Lalo namang lumuwang ang pagkakangiti ni Cyan.

"Of course," sagot niya at sumulyap kay Lawrence na nakatayo sa tabi niya. "Just like his father." Lawrence winks after she said that, causing her to blush.

Tumango ang hari bilang pagsang-ayon. "Mauna na muna ako sa inyo dahil may kailangan lang akong asikasuhin," sabi nito na tila nagbago ang mood dahil sa muntimg palitan nila ni Lawrence.

Dark SideWhere stories live. Discover now