CHAPTER THIRTY-NINE

6.2K 169 6
                                    

TRAITOR

(DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

CYAN LOOKED AROUND, naghahanap ng matutulungan. She saw everyone fighting for their own lives. At mula sa likod niya ay nakaabang ang sandamakmak na rogues na tila ba naghihintay ng utos, na tila isang malaking audience na sabik na pinapanood ang mga nangyayari, naghihintay ng pagkakataon na sila naman ang aatake. Luminga muli si Cyan sa paligid, saka niya napansin na napalilibutan na pala sila ng mga kalaban mula sa iba't ibang direksyon.

Nilingon niya ang ilan sa mga kasama na nakikipaglaban. Nakita niya sina Lyndon na nakikipaglaban din, bagay na ipinagtaka at ikinagulat niya. Baka nga hindi ito kaisa kay Evan Chua. Pero hindi pa rin niyon nabubura ang katotohanang may balak itong masama laban sa kanila, kahit na pa hindi nito kaanib si Evan Chua.

"Lyndon!" tawag ni Gian sa lalaki, humihingi ng tulong dahil sa napapalibutan ito ng tatlong malalaking lobo. Tumingin dito ang lalaki saka hinugot ang isang dagger na nakabaon sa ulo ng isang patay na rogue malapit dito.

Cyan did the same. Mabuti nalang at naturuan nila ni Trisha ang bawat miyembro sa tamang paggamit ng armas. She went towards Gian wanting to save her sister-in-law, abandoning Lawrence's side who is also busy fighting five rogues at a time. Nakita niya ang mabilis na paglapit ni Lyndon sa kapatid, pati na rin ni Dennis na narinig ang daing ni Gian. Pero sa halip na tulungan nito si Gian ay nag-iba ng direksyon ng pinuntahan ng punyal na iniitsa nito, papunta kay Dennis na noo'y kapapatay lang ng isang lobo.

Finally, Lyndon revealed his true colors.

"What the--?!" gulat na sigaw ni Dennis na mabuti nalang ay mabilis ding nakaiwas sa punyal na inihagis ni Lyndon sa direksyon nito. Gulat na tumingin silang lahat sa lalaki.

"Too bad," Lyndon chuckled darkly, "but I'm not on your side," sabi ni Lyndon at mabilis na nahatak si Elyssa na siyang pinakamalapit dito.

Natuod ang lahat sa kinatatayuan sa biglaang pangyayari. Sa isang iglap lamang ay nagawang hablutin ni Lyndon ang walang kamalay-malay na si Elyssa at magtungo sa likuran nito. They heard Elyssa gasped loudly, as Lyndon roughly held her against him, a sharp claw dangerously pointing against her throat. Strangely, and miraculously, the fight ceased, all are looking at Lyndon's direction who was smiling evilly, holding a very frozen Elyssa. Everyone tensed, except the rogues who walked away and surrounded all of them in a large circle.

They are just too many. Kahit na pa napakarami na rin nilang napatay. Nakita ni Cyan ang mga na-injured na miyembro. Nakahinga siya saglit dahil wala pa naman siyang nakikitang napatay sa mga ito. Gabriel was also tensed in front of them, afraid to do a single wrong move, watching Elyssa looking very frightened.

Naramdaman ni Cyan ang matinding antisipasyon habang inaalala kung ano ang posibleng mangyari ngayon dahil sa hawak ni Lyndon si Elyssa bilang bihag nito. Hindi ito maaaring magtagumpay sa mga plano nito.

Nakaramdam siya ng galit sa sarili. Hindi na dapat sila umalis pa at hinuli na agad ang dalawa. Nagngalit ang kanyang mga ngipin nang maisip na siya ang nagbigay ng pagkakataon sa mga ito na maisagawa ang maitim na balak.

"Lyndon! Anong ibig sabihin nito?!" pasigaw na tanong ni Martha, her voice trembling in surprise and anger.

Nagpakawala si Lyndon ng isang malakas at makapanindig-balahibong tawa na naghatid ng matinding kilabot sa kanila. His black eyes were glinting with so much malice. He smoothly directed his long sharp claws towards Elyssa's face and made a cut on her cheek, causing her to winced in pain. Blood immediately poured down onto her neck, staining the neckline of her orange blouse. Gabriel growled out of rage, his lip curling into a snarl, revealing his canines ready to rip out his throat. He went to attacked him pero isang punyal ang mabilis na sumalubong dito.

Dark SideWhere stories live. Discover now