CHAPTER FOURTY-ONE

6.1K 184 9
                                    

INTO THE DARK SIDE

(DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

THE VAMPIRE SCREAMED in pain and tried to struggle. Binali ni Cyan ang leeg nito gamit ang kanyang braso. She drained his blood, making him taste his own medicine. Once she was done, ay dinukot niya ang puso nito bago ito ibinalibag sa isang tabi at maging abo. Naramdaman niyang unti-unti nang bumabalik ang kanyang lakas, maging ang matinding pagkauhaw niya sa dugo.

Napalingon siya sa bata na sa kanya naman takot na takot na nakatingin. Dinig na dinig niya ang mapang-akit na tibok ng puso nito. She clenched her fists tightly. Nagpipigil. As much as possible, she refrain from tasting human blood.

"Alis na! Magtago ka," sabi niya sa bata at iniiwas dito ang mga mata.

Nanginginig na mabilis at halos madapa-dapang tumakbo papalayo roon at pumasok sa isang bahay. Hindi na ito inintindi pa ni Cyan at mabilis namang nagtungo sa looban ng bayan na iyon. Muling kumulo ang dugo niya sa nakikitang labanan sa pag-itan ng mga tauhan nina Zafrix at Lawrence, at ng mga kalaban.

Walang pag-aalinlangang tumungo siya roon at nagsimula na ring makipaglaban. Unti-unti siyang nilalamon ng halimaw sa loob niya. Tinatakpan ang kanyang mga mata. Pero nanatili siyang hawak ang kontrol. Tanging ang pinapatay lang ay ang mga kalaban.

"Luna Cyan!" narinig niyang may tumawag sa kanya.

Binitiwan ni Cyan ang babaeng bampirang sinisipsipan niya ng dugo. Nilingon niya ang pamilyar na mukha ni Elyssa. Base sa magulong itsura nito ay nakikipaglaban din ito.

"Ligtas ka!" gulat nitong sabi, pero mabilis ding napaatras nang makita ang itsura niya. "L-Luna..." kinakabahan nitong sambit.

Malamig siyang tumingin dito. Iniintindi m ang sinabi nito. Nanlalabo na ang kaniyang isipan, tila ba may makakapal na ulap na namumuo roon at tinatakpan ang kaniyang katinuan. Patuloy itong nagsasalita at umaatras, habang mabagal siyang lumalapit dito.

"---si Trisha..." iyon na lamang ang naintindihan niya at naabot ang kaniyang pang-unawa.

Napahinto siya. Bigla niyang naalala si Trisha, si Gerald, si Evan, at ang daddy niya. Hindi na siya muling nag-aksaya ng panahon at muling bumalik sa kakahuyan. Sa pagkakataong ito ay nakabalik na ang kanyang lakas at bilis dahil sa dami ng nainom niyang dugo. Kahit na pa unti-unti nang naninimdim ang kanyang puso't isip.

Nag-aalalang sinundan ng tingin ni Elyssa ang likuran ni Cyan habang mabilis itong tumatakbo patungo sa kakahuyan. Nakahinga siya ng maluwag dahil maayos ang lagay at ligtas ito. Ngunit nababagabag siya sa mabangis na itsura nito. Nasaksihan niya ang pagbabago-bago ng kulay ng mga mata nito mula sa tsokolate at pula.

Napansin din ni Elyssa na tila hindi siya naiintindihan ni Cyan. Malamig ang mga titig nito na para bang gusto siya nitong atakihin. Naghatid din ng matinding kilabot sa kaniyang katawan ang imahe ni Cyan habang sinisipsip ang dugo ng isang kalabang bampirang babae. At hindi lingid sa kanyang kaalaman na hindi umiinom ng dugo si Cyan, dahil ayaw nitong tumikim ng dugo.

"Kailangan nilang malaman ang tungkol dito," sabi niya at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Elyssa left the town, dodging the fight that has been going on. Kailangan niyang makita si Gabriel at masabihan ito sa kakaibang ikinikilos ni Cyan. Matapos siyang iligtas ni Cyan sa kamay ni Lyndon ay naging utang na niya rito ang buhay niya. At nagpapasalamat siya roon. Ginawa niya ang lahat para makatulong pabalik, at ngayon ay nakikipaglaban din siya sa mga nagkalat na rogues sa bayan at inililigtas ang mga tao roon. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan namang mailigtas si Cyan mula sa sarili nito.

Dark SideWhere stories live. Discover now