CHAPTER THIRTY-TWO

7.4K 225 50
                                    

SHIFTING

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

CYAN NARROWED her eyes at the woman's very guilty face.

"Are you hungry? Ipagluluto kita," marahang sabi naman ni Martha.

Napatitig dito si Cyan. Ngayon lang niya nakitang mag-poker face ang butihing ginang. Bigla tuloy ay kinabahan siya.

Ano kaya ang sinabi ni Lawrence sa mga ito?

Hindi naman siguro sinabi ng lalaki na tumanggi siya kasi hindi naman niya ginawa iyon. Wala pa nga siyang nagiging sagot, dahil nga nawalan siya ng pagkakataong sabihin dito na 'Oo, payag siyang makasama ito habang buhay at magpakasal dito', sa biglang pagdating ng mga rogues.

"H-Hindi. Okay lang ako," tanggi niya kay Martha.

Tumitig sa kaniya ang apat, bagay na lalo niyang ikinabagabag. "I'll just walk around outside," sabi niya sa mahinang tinig, gustong iwasan ang mga nanunuring tingin ng mga ito.

Tumango ang mga ito, at malungkot siyang lumabas ng pack house. Huminto siya pagkalabas ng pinto, hindi niya alam kung saan pupunta. Naglakad-lakad siya ng kaunti at nilaro-laro ng mga paa ang mga damong tinatapakan niya. Nakalimutan kasi niyang magsuot ng tsinelas sa pagmamadaling makalabas para kausapin si Lawrence. Umihip ang malamig na hangin, bahagyang tinatanggal ang nararamdaman niyang stress.

Mayamaya ay narinig niya ang mahihinang pag-uusap sa gawing likuran ng pack house, at nakita ang mangilan-ngilang mga miyembro na nagtutungo roon. Takang naglakad siya papunta roon at sinilip kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga ito. Nakita niya ang mga lalaking miyembro na nag-iipon ng malalaking kahoy sa isang gilid, mayroon namang nagseset ng mga tents, picnic matts, at mga stalls para sa mga pagkain sa paligid. Bigla ay naalala niya ang bonfire, kung saan ay inaya siya ni Linda.

Tumingala siya sa langit at sinulyapan ang maliwanag na buwan na malapit ng maging perpektong bilog. Naalala niya ang bonfire na gaganapin sa sabado. A bonfire on saturday midnight, that's in a few hours.

All werewolves will be able to feel their wolves much stronger when it's full moon. That is why they celebrate it every month. Napatungo siya, iniisip kung dapat ba siyang dumalo mamayang hating gabi.

"Luna!" tawag ng isang pamilyar na boses ng babae.

Gulat na nilingon niya iyon at nakita si Linda na maluwang ang pagkakangiting mabilis na lumalapit sa kaniya. Napansin niya rin lahat ng miyembro na lumingon sa gawi niya.

"Halika. Inaayos na namin ang lugar para sa bonfire mamaya," sabi nito.

"Sige," kiming pagpayag niya at sumunod dito.

Wala rin naman siyang ibang gagawin, at gusto rin niyang malibang para maiwasang isipin ang pagbabago ng mood ni Lawrence. Nahihiyang tumingin siya sa mga miyembro, naalala ang ginawa kahapon. Nangangamba siyang baka lalong natakot ang mga ito sa kaniya. Ngunit labis siyang natuwa nang makita ang mga itong nakangiti sa kaniya at binabati siya.

It seems like, because of what she did yesterday, some of the pack members who hates her, changed their attitude towards her, grateful for what she did.

Ngayon ay dalawang babae nalang ang natitira...

Tinulungan niya ang mga itong maghanda. Wala na rin naman ang nararamdaman niyang pagod, lalo na at nag-eenjoy siya kasama ang mga miyembro, nakikipagtawanan at kwentuhan. Pero sa kabila ng pagkalibang ay nasa isip pa rin niya si Lawrence, kung nasaan ito at kung ano na ang ginagawa nito. Napabuntong hininga siya ng malalim at matamlay na nagtutusok ng mga barbeque sa stick.

Dark SideWhere stories live. Discover now