CHAPTER THIRTY-ONE

8.1K 209 18
                                    

PROPOSAL

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

NAKARAMDAM si Lawrence ng pangamba, ngunit handang tanggapin anuman ang sasabihin o aaminin ni Cyan sa kaniya.

Huminga muna ng malalim si Cyan bago magsalita.

"Me and my mother are the ones you mostly called hunters," pag-amin nito.

Napatitig si Lawrence rito, bakas sa mga mata ni Cyan ang pag-aalala. Inaalala ni Lawrence ang bawat pagdating ng mga hunters sa paligid ng teritoryo niya, at ang mabilis na pag-alis ng mga ito.

His beloved is trully not just an ordinary hybrid...

Kinakabahang inantay ni Cyan ang reaksyon ni Lawrence na biglang sumeryoso ang mukha pagkasabi niya niyon.

"I'm sorry I didn't tell you right away," dagdag niya bago pa man ito magalit.

To her surprise, Lawrence gently smiled at her.

"Hindi ko akalain na mas espesyal ka pa pala kaysa sa inaakala ko," narinig niyang malambing na sabi nito.

Nakaramdam ng matinding tuwa si Cyan. Ngumiti na rin siya at tumitig sa mga mata nito.

They heard someone clearing their throat. Lumingon ang dalawa sa mga kasamang naroon at nakitang pinapanood sila kanina pa ng apat. Namula si Cyan sa sobrang pagkapahiya.

"If you didn't mind, please save your demonstration of affection later in the castle," sabi ni Felix sa kanila, nakasimangot, feeling bitter.

Napangisi si Kian na katabi nito, pero hindi naman nagkomento.

"You already know the reason why we invited both of you to come here," seryosong sabi ni King Zafrix, maging ito ay parang biglang nangulimlim ang mood. Mas lumamig pa tuloy ang itsura nito.

"Yes," answered Cyan and Lawrence in chorus, na agad din namang sumeryoso.

Sinabi na nga sa kanila kung bakit sila ipinatawag doon. Hindi dahil sa gusto ng mga itong mapatunayan na hindi kalaban si Cyan, kundi dahil kay Evan Chua. Nalaman nilang sila pala talaga ang main target nito ngayon.

"We want the both of you to cooperate with us in searching for this man. Sana naman ay wala kayong itago kahit na pa pinakamaliit na impormasyon tungkol sa lalaking ito. He's gone into the point of stealing more corpses from hospitals. Napakalaking aberya na ang nangyayari ngayon sa labas. We need to stop him as soon as possible. Lumalaki at lumalakas na ang puwersa niya. At mas delikado na rin ang mga experimento niya ngayon," paliwanag ni King Zafrix, madilim ang anyo.

"His army is being trained to kill anyone in sight. At may ilang mga tao na ang napapatay ng mga eksperimento niyang lobo."

"They have harmed humans already?" gulat na tanong ni Cyan.

"Yes, Miss Salvatore. Hindi lang iyon, mas matindi ang contamination ng kagat ng mga eksperimentong lobo sa isang tao. Dahil pagkatapos mamatay ng isang taong nakagat, ay mabilis na nitong nagagawang maging lobo ang tao na iyon. At ikinatuwa ito ni Evan Chua, kung kaya tuwing gabi ay nagpapakawala siya ng ilang lobo sa paligid ng bayan para mambiktima ng mga inosenteng tao. That is why we have stationed a lot of royal guards and knights in the area," paliwanag naman ni Ervin.

Naliwanagan na rin si Cyan. Iyon pala ang dahilan kung bakit sabi nga ni Trisha ay napakarami raw taong lobo sa paligid ng bayan.

"Parang sa bampira ang proseso ng pagbabagong anyo ng mga biktima. They will die shortly after getting bitten by the wolf experiments, and after two to three days ay babalik na bilang isa sa mga kampon ni Evan Chua," dagdag pa ni Felix.

Dark SideWhere stories live. Discover now