CHAPTER FOURTY

6.2K 187 7
                                    

CLAWS AND CANINES

(DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

AS SOON AS the words left his lips, the rogues stormed forward into the town. And the darkest chaos finally began to cloak the place with its deathly claws...

Napaatras sa labis na pagkatakot ang batang lalaki sa tabi ng kanyang ina at itinago ang mukha sa dibdib nito nang makita niya ang malalaking aso na nagsimula nang lumabas mula sa kakahuyan.

"Mama!" ang sigaw ng bata.

"Ano'ng---"

Nabulabog ang tahimik at nahihintakutang mag-anak nang isang malakas at nakabibinging ingay ang bumungad mula sa kanilang bintana. Nagsitalsikan sa iba't ibang direksyon ang mga piraso ng nasirang kahoy at salamin mula sa nawasak ng bintana nang isang lobo ang nagpumilit na makapasok doon. Wala ng oras para makatakbo pa ang mga nasa loob nang makapasok ang dalawang higanteng halimaw mula sa winasak nitong bintana. Nakaririnding sigawan at mga daing ang umalingawngaw sa loob ng bahay na iyon, habang walang awa silang pinagpapaslang.

Ilang saglit lang ay natapos na ang dalawang lobo. Pumapatak pa ang sariwang dugo sa sahig mula sa nakabukang bunganga ng halimaw na may kagat-kagat pang putol na braso, bago ito muling lumabas mula sa bintana ng bahay.

Sa labas ay maririnig din ang makapanindig-balahibong mga sigawan, at ang desperadong hinaing ng mga taong sintunadong umaawit ng isang dasal para sa kanilang kaligtasan. Nagpatuloy pa ang pagdanak ng dugo sa bayang iyon, maging ang hindi mahintong pag-ugong ng mga sigawan nang lumusob ang mga kampon nina Lyndon at Evan Chua. Kinakatay ang mga inosente at walang kamalay-malay na mga taong naaabutan ng mga ito. Lumaganap ang hindi inaasahang nakakakilabot na kadiliman sa buong bayan, kasabay ang pagkalat ng dugo at pagbagsak ng mga walang buhay na katawan ng mga kawawang mortal.

Huli na nang dumating ang mga tauhan ni King Zafrix, nabunyag na ang katotohanan tungkol sa kanila sa bayang iyon. Hindi na nila magagawa pang itago ang kanilang existence. Ang kailangan nalang nilang gawin ng mga sandaling iyon ay pigilan ang mga kalaban, puksain ang puwersa nito, at iligtas ang mga tao.

* * *

Cyan felt herself lying down on a soft bed, bago niya naramdaman ang malalamig na bakal na mahigpit na nakagapos sa kanyang mga braso at mga binti. Pinuwersa niya ang sariling magmulat ng mata.

Her eyes widened. Lalo na nang makitang nasa loob siya ng isang maluwang na kulungan, kung saan ang nangingitim na pader lamang ang kanyang nakikita sa paligid at ang maliit na ilaw na nakalambitin sa nanlilimahid na kisame. Sinubukan niyang gumalaw, ngunit pinigilan siya ng mga tanikalang nakatali sa kanyang mga braso at binti.

Gaano katagal na siyang naroroon?

"Finally, you're awake, Princess. Are you done with your beauty sleep?"

Gulat na nilingon ni Cyan ang lalaking nagsalita. Nakita niya si Lyndon na papasok ng kulungan hawak ang isang tray ng pagkain at isang basong tubig. Tinangka niyang gumalaw muli, ngunit muli siyang pinigilan ng mga kadena. Mga simpleng kadena, pero hindi niya magawang sirain. Nakaramdam siya ng takot, hindi pa rin bumabalik ang lakas niya.

Napabuntong-hininga si Lyndon at inilapag sa gilid ng hinihigaan niya ang tray.

"Don't try to escape Cyan, your efforts will be futile."

"Why are you doing this?"

"What?"

"This! Everything!" galit na sagot niya rito.

"Malamang na sa hindi sinabi ng kapatid ko sa'yo, o nino man... Lawrence kicked me out of the pack."

"May ginawa ka sigurong kasalanan! Sa kabila ng mga pinaggagagawa mo, walang kwenta ang pagpapaalis sayo sa pack. KULANG PA IYON!"

Dark SideWhere stories live. Discover now