CHAPTER TWENTY-SEVEN

7.8K 232 5
                                    

CHANCE

(A/N: UNEDITED. DO NOT PLAGIARISE, OR YOU WILL BE CURSED.)

AGAD NA NAGBAWI si Cyan ng tingin nang marinig iyon. Dinig na dinig niya ang papalapit nitong hakbang kung kaya nilingon niya itong muli.

"Let's go downstairs," sabi nito at marahan siyang tinanganan sa braso.

The simple touch made her feel the same warmth spreading in her being, and their close proximity reminds her of their kiss. Bigla ay nakaramdam siya ng hapdi sa lalamunan habang naglalakad sila pababa ng hagdan patungo sa sala.

Muli ay nararamdaman na naman niya ang kaniyang uhaw.

They sat together on a couch, side to side. Cyan didn't fail to notice that it looks the same as the old ones. Maging ang mga tanda niyang gamit na nasira noon ay pinalitan din ng bago, pero kaparehas ng itsura. Hindi niya alam kung saan pa ito nakahanap ng mga katulad ng mga gamit doon, pero hindi niya maitatanggi sa sarili na nagtataka man, ay nakaramdam siya ng munting tuwa sa kaniyang puso. Hindi na nga halata na halos nawasak ang buong sala noon.

Nilingon niya si Lawrence na kanina pa siya pinagmamasdan. Halos matunaw na siya sa pagtitig nito sa kaniya.

"You did this?" tanong niya rito, tinutukoy ang pananatiling maayos ng mansyon.

Tumango si Lawrence.

"But why?" naguguluhan niyang tanong.

"I have promised you that I will take care of it. And that's what I did. Hindi ko ito pinabayaan, araw-araw akong bumibisita rito. Making sure that everything is still in place," he told her gently.

"Bakit?"

Humarap si Lawrence sa kaniya at nakita sa mga mata nito ang mga bagay na hindi niya inaasahang makita.

"Hindi ako nawalan ng tiwala na magkikita tayong muli. I may have sometimes lose hope..." tumingin ito sa malayo, bakas sa mukha ang naging kalungkutan nito, bagay na kumurot sa puso niya. "But I always believe that we will meet again."

Naguguluhan pa rin si Cyan. "But I saw how you reacted--"

"You misunderstood what you saw, Cyan." sabi nito na muli siyang nilingon.

"You were livid," pagpapaalala niya dito.

"Hindi ako sayo nagalit. I was angry, dahil sa naging reaksyon sayo ng mga pack members. I told them to stop it, dahil sa nagpapanic ka na. But I was too late," paliwanag nito sa kaniya.

"You were angry before that," pilit pa rin ni Cyan, inaalala ang reaksyon nito bago pa man siya makita ng mga pack members.

"I wasn't angry. I was hurt," paglilinaw nito.

"Hurt?"

"I was hurt that you cannot find in yourself to trust me," he told her, his tone laced with pain.

Cyan gazed up at him, guilty. Truth really hurts. Nagbaba siya ng tingin. Maging ngayon nga ay hindi niya magawang pagkatiwalaan ito, kaya normal lang na masaktan nga ito sa ginawa niya.

"Natakot ako, Lawrence. Na hindi mo ko matatanggap," she confessed. "Vampires are your primary enemy, that's why I thought that you wouldn't want me," mariin siyang pumikit, bumabalik sa ala-ala ang sakit.

She felt him pull her into his arms, calming the raging sadness in her heart in just an instant. Noon ay halos makalimutan na niya ang pakiramdam ng yakap-yakap siya nito. Hindi na niya napigilan ang sarili at sumiksik pa rito at isandal ang ulo sa dibdib nito.

Dark SideWhere stories live. Discover now