CHAPTER ONE

14.3K 325 167
                                    

MADILIM ang kalangitan at ang kulumpon ng maiitim na ulap ay tila nais makiramay sa kalungkutan na nararamdaman ng mga taong nakatayo sa harapan ng isang puntod. Tila nagnanais ding ibuhos ang mabigat na dinadala upang madiligan ang mga nagluluksang dibdib na patuloy sa pagtangis sa nawalang mga mahal sa buhay. Isang dagundong ng kulog ang bumasag sa malalim na katahimikan. Tanging mga mumunting hikbi ang nakikikanta sa ingay na pinapakawalan ng kalangitan. Marahang humaplos ang malamig na simoy ng hangin na parang brasong yumayakap sa nanginginig nilang mga katawan.

"Why?" Ang tanging tanong na nasambit ni Cyan sa kawalan kasabay ang isang mahinang paghikbi. Tulalang pinapanood na ibinababa sa huling hantungan ang mga kabaong kung saan naroon ang mga nasawi niyang magulang. More strangled sobs were released out of her already aching throat. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang mga magulang niya.

Parang kahapon lang ay nasilayan pa niya sa huling sandali ang kanilang mga ngiti. Hindi niya lubos akalain na iyon na pala ang huling yakap na mararamdaman at matatanggap niya mula sa kanila. Ni hindi man lang siya nakapagsabi sa kanila kahit pakiming "I love you" bago umalis ang mga ito.

Marahang hinaplos ni Manang Mina ang likuran ni Cyan, bilang pagdamay sa hinagpis ng kalungkutang parehas nilang pinagdadaanan.

Halos napuno ang puwesto kung saan inililibing ang mga magulang ni Cyan sa sobrang dami ng nakiramay, hindi pansin ang masamang panahon at nagbabadyang malakas na ulan ng hapon na iyon. Marami sa mga tauhan nila ang tunay rin na nangungulila sa pagkawala ng mga ito. Hindi niya sila masisisi, dahil hindi maipagkakaila na napakabubuting tao ng mga magulang niya. Lagi silang nariyan upang tumulong sa tuwing nangangailangan ang kanilang mga trabahador lalo na sa kanilang rancho, at hindi humihingi ng anumang kapalit.

Cyan didn't even flinch once, even when the dark clouds were being continiously whipped by multiple swords of lightning. O kahit nang magsimula nang bumagsak ang malakas na ulan na para bang nais silang lunurin. She did not care, even when she started to get soaked under the rain. Hindi niya alintana ang lamig, ang amoy ng alimuom mula sa lupa, maging ang bawat patak ng ulan na tila ba mabibigat na sampal na gustong magpagising sa kaniya sa katotohanang ayaw niyang tanggapin. She still didn't want to accept the fact that her loving parents are already gone.

Wala na sila. Mag-isa na lang siya. Wala nang tutulong sa kaniya upang matupad ang kaniyang mga pangarap. Paano na ang rancho? Ang kumpanya? Hindi pa naman niya masyadong kabisado kung paano patakbuhin ang mga iyon. Paano na ang mga taong doon lamang umaasa at kumukuha ng ikakabuhay ng kanilang mga pamilya?

Mag-isa siyang magpapatakbo ng kumpanya na ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong masilip. Magtitiwala ba sa kaniya ang mga major stock holders na alam na wala siyang masyadong karanasan sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya? What about the business partners who hate them so much that they are beyond willing to take everything out of her reluctant hands?

Although, twenty years of age is now considered as a legal adult, she's still young. Makakaya ba niya ang malaking obligasyon na ito na nakasampay na sa kaniyang mga balikat?

"Hija," tawag ng butihing si Manang Mina mula sa kaniyang tabi. "Heto ang payong. Huwag kang magpakabasa sa ulan. Magkakasakit ka. Hindi iyon gugustuhin ng mga magulang mo," said manang, while sheltering her under a huge black umbrella.

Cyan tried to stop crying. She did not want to look so helpless and weak, but she just couldn't stop the water breaks from escaping her already swollen eyes. She could even taste the bitterness on the tip of her tongue, the bitter truth that she is alone in the middle of this obstacle that her parents unintentionally left her.

"I-it's o-okay, Manang. I-I'll be f-fine," she told the kind woman and walked towards the newly made grave of her parents, a reason to get even more soaked under the rain.

Dark SideOù les histoires vivent. Découvrez maintenant