PROLOGUE

22.4K 412 66
                                    

"Come back soon, okay?" said Cyan as she hugged her mom and dad one last time.

Her parents are flying to California to take care of her aunt Vanellope who is bedridden with illness. Sobrang mami-miss ni Cyan ang mga ito dahil magtatagal ang pag-i-stay nila roon. Walang pamilya si Aunt Vanellope, tiyahin ito ng kaniyang ina sa mother side at sobrang tanda na nito sa edad na seventy-three. She prefer to call the old woman 'aunt' instead of 'lola'. Wala ring pakialam dito ang iba pa nilang mga relatives sa California kung kaya't ang kaniyang mom and dad na lang ang pupunta roon upang mag-alaga rito.

Trisha smiled at her daughter warmly and gently touches her face. "Take care, sweetie. We will make sure to call you every day," she told Cyan. Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan.

"I'm a grown up now, Mom. No need to worry," Cyan assured her mother with a warm smile of her own.

"Goodbye, sweetheart. Huwag mong kalimutan ang mga bilin namin sa iyo. And do not worry yourself about the company, may mga tao nang mag-aasikaso roon," paalala naman ni Marco.

Cyan rolled her eyes at this. Ayaw pa rin siyang payagan ng parents niya na tumulong sa company nila, saying that she's still too young for this kind of stuff. Kahit siya lang naman ang magmamana ng lahat. They told her that she still have to reach her twenty-first birthday and finish her business course bago siya payagan na makatulong sa kanila sa pamamalakad ng kumpanya.

"Don't roll your eyes at me, young lady," her father said in mocked disapproval.

"Fine, Dad," she answered while smiling. "Take care, paki-hug ako kay Aunt Vanellope."

"Sure, sweetie."

Cyan watched as their driver, Manong Pedro, put her parents' suitcases inside the trunk of the car. Tinulungan ni Marco si Trisha sa pagsakay sa loob ng sasakyan hawak ang baywang at braso nito. And Cyan missed how her mother glared at her father with disdain.

"I will miss you both," she said with a smile, waving her hand in farewell. "Goodbye."

They both waved back as she continued to watch them get inside the car. Cyan sadly stood there in front of their tall gates while the car left through the winding road, until they were out of her sight. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Cyan.

Sobrang naaawa siya sa kaniyang Aunt Vanellope, at gusto rin niya itong dalawin. Pero dahil kailangan pa niyang tapusin ang pag-aaral niya ay hindi pa siya makakasama. Lalo na at malapit na naman ang pasahan ng requirements at ilang buwan na lamang ay magtatapos na siya ng kolehiyo.

Cyan glanced up at the clear blue sky, which reminds her of the ocean. Bahagya siyang napapikit dahil sa tirik na tirik na sinag ng araw, tanda ng maganda ngunit mainit na panahon. Hindi na niya iniinda ang init na dumadantay sa kaniyang balat dahil sanay na siya sa ganoon. Narinig niya ang pagsara ng matataas na gate na itinulak ng kanilang dalawang security guards. Naghatid iyon ng bahagyang ingay dahil sa pag-ingit ng mabibigat na bakal kung saan yari ang mga iyon.

"Senyorita?"

Nilingon ni Cyan ang tumawag ng kaniyang pansin, at nakita niya ang mayordoma ng kanilang mga kasambahay.

"Nakahanda na si Genesis," sabi nito.

She smiled at the kind face of the small, plump woman. "Okay. Thank you, Manang Mina."

Si Manang Mina ang isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan nilang kasambahay sa mansyon. May edad na rin ito, sapagkat ito pa ang nag-alaga sa kaniyang ina noong bata pa ito. Ang buong pamilya nito ay nagtatrabaho rin sa kanila sa mansyon at sa rancho.

She walked on their perfectly trimmed lawn towards the back of their mansion, where Genesis is waiting for her. Bahagyang nakikiliti ng mga damo ang gilid ng kaniyang mga paa na ang tanging sapin lamang ay isang paris ng pulang tsinelas. Genesis ang pangalan ng kaniyang kabayo. Isa itong puting stallion na hamak ang taas kaysa sa kaniya.

Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon