Chapter 34 : Actual Welcome

2.3K 89 9
                                    

##Chapter 34 : Actual Welcome##

>Paul’s POV<

 

 

“Magiging honest kami ng asawa ko sa inyong dalawa, hindi kami sanay sa ganitong relasyon, sa relasyon nyo, kaya huwag sana kayong magagalit kapag tumataas ang kilay namin sa simpleng paghoholding-hands nyo o paglalambingan nyo. Pero masasanay naman siguro kami. Bigyan nyo lang kami ng time, OK?”

“Opo. Wala pong problema.” Comfortable na akong nakikipag-usap sa mom ni Vince. Magaan kasi syang kasama. At matapos ng pagtanggap nila sa aming dalawa, mas gumaan ang loob ko sa kanya.

Naiwan kami dito sa study/library ng bahay nila habang tumungo si Vince at ang dad nya sa may patio sa tapat ng room. Pintuan pala yung malaking bintana ng kwarto at nagle-lead ito sa malaking patio sa labas. Kasalukuyang naroon ang dalawang lalaki at nagkakaroon ng “private father-to-son talk”.

“Mukhang matagal pa yung pag-uusap nung dalawa.” Sumulyap sa patio ang mom ni Vince then bumalik ang tingin nya sa akin. I saw her bright brown eyes once again and it reminded me of Vince’s. “Tell me. Paano kayo nagkakilala ng anak ko?”

“Magkaklase po kami. Pero kung mas specific po na sagot ang gusto nyo, nagkakilala kami dahil nag-away kami agad sa first day of classes. Hindi pa po namin alam na magkaklase kami kaya nagsagutan at nagsigawan pa kami sa corridor. Hindi po namin inexpect na ganito kahahantungan namin.” I remember that memory like it was just yesterday.

“Ah..” Tumingin ang mama nya sa kawalan at mukhang may inaalala. “Ganyan rin kami ni Simon noong magkakilala kami. Hindi ako tumitingin sa dinadaan ko kaya nagkabangga kami. Kaya ayun, nagkagyera sa first day of school.”

“Talaga po? Nagkabanggan rin po kasi kami ni Vince kaya nag-away kami. HAHAHAHAHA!” She laughed with me. Akalain mong parehas kami ng naging kapalaran ng mga parents ni Vince. I just hope na tatagal rin kami ng ganito. Mahirap mang isipin pero umaasa akong tatagal. I pushed those thoughts aside.

Pagtapos naming magtawanan (at mag-apiran), biglang sumeryoso ang mukha ni Tita Dorothy. “Huwag ka sanang magalit, Paul, ha? Pero..” Tumigil sya, iniisip nya ang sasabihin nya, maybe to construct it to the clearest way possible. “..sana hindi mo sinasamantala ang feelings ni Vince. Alam mo naman sigurong galing sya sa isang tragic na relasyon. Sana hindi mo lang sinasamantala ang kalungkutan nya.”

Hindi ako magsisinungaling, kung hindi ko lang gusto ang mom ni Vince, baka nag-walk out na ako sa pag-uusap na ito. Pero naiintindihan ko sya. Kapakanan ng anak ang iniisip ng mga magulang. Nasaktan ako sa sinabi nya pero hindi ko naman sya masisisi. Pero malinaw ang intension ko. Mahal ko ang anak nila. Hindi ko pagsasamantalahan ang feelings nya.

“Tita, hinding-hindi ko po iyon magagawa sa anak nyo. Hinding-hindi po ako gagamit ng kahinaan at kalungkutan ng iba para sa kalakasan at kasiyahan ko.”

“Mabuti naman.” Her face softens pero hindi nagbago ang tono ng boses nya. “Pero.. hindi ko lang talaga lubos maisip. Ang anak ko, papatol sa..”

“-bakla?” Ako na tumapos ng sinasabi nya dahil mukhang hindi naman nya kayang tapusin.

Hindi sya sumagot pero tumango siya. At least hindi nagpapaliguy-ligoy ang mom ni Vince.

Kahit pagbali-baliktarin nga naman natin ang sitwasyon. Bakla ako. Lalaki si Vince. Sa mata ng mga magulang nya, at sa mata ng karamihan ng mga tao sa mundo, mali ang relasyong ito. Hindi katangggap-tanggap. Nauunawaan ko na ngayon kung bakit nila kami tinanggap kanina noong magtapat kami sa kanila, dahil mahal nila ang anak nila at tanggap nila ang desisyon niya. Tanggap nila si Vince.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon