Chapter 28: On Mutual Grounds

2.9K 100 12
                                    

##Chapter 28: On Mutual Grounds##

>Ezra's POV<

There's something about what happened earlier tonight that made Vince happy. Really happy.

Feel ko yun. Nasa loob pa lang sya ng kotse nya, nalilingon ko na na naka-ngiti sya. Naka-upo kasi ako sa garden swing set sa labas ng bahay namin kaya kitang-kita ko ang pagdating nya. Bakas sa mukha nya ang ngiting matagal ko nang hindi nakita. Alam ko ang ngiting yan. Alam na alam ko ang ngiting yan.

Ngiting galing sa puso.

Siguro akong sobrang ganda ng kinalabasan ng date nila ni Paul kaya ganito na lang 'to kasaya. Nako. Pagkalabas nya sa kotse nya, nagawa pang sumipol-sipol. Ano bang ginawa ni Paul sa pinsan ko at ang saya-saya nito ngayong gabi?

"Good evening, couz!" Nagulay ako sa bati nya pero mas nagulat ako dahil niyakap nya ko paglapit nya. "Oh? Wala ka man lang tugon sa bati ko?" Something's wrong with him. Matagal na panahon na noong sweet cousin pa si Vince sa akin.

"Nagulat naman ako sayo. Kung ganito ka everytime na galing ka sa resto na yun e pwes lagi kang kumain dun ha. Ano bang kinain nyo sa restaurant na yun at ganito ka na lang kasaya ha?"

"Ah.. e" Nagdadalawang-isip sya. May tinatago 'tong loko na to. I know that face. "Wala naman. Na-enjoy ko lang masyado yung gabi with my dear.. este with Paul."

Hmmmm-mmmm something's fishy but I couldn't put my finger on it. "Sigurado kang yun lang, couz? Baka may gusto ka pang sabihin? Handa naman ako makinig."

"Wala. Wala na. Sige, couz, tulog na ko. Grabe, sobrang nakakapagod. Good night." He kissed me in the forehead then umalis na sya. Ibang Vince talaga 'tong dumating ngayong gabi e. Ano kayang nangyari sa kanila ni Paul kanina? Oh well. I'm sure naman ikukwento sakin ni Paul yun sa Monday eh. Karapatan kong malaman dahil best friend ako ni Paul at pinsan ko si Vince. (akala mo may karapatan e no?) Hindi na ako makapaghintay.

Just when I'm about to go back to the house too, my phone suddenly rang.

"Adrian?" Bakit kaya sya tumawag ng ganitong oras? May problema kaya? Bigla akong kinabahan.

"Ah.. Ezra? Pasensya na kung tumawag pa ako ng ganitong oras. Natutulog ka na ba? Sige, next time na lang ako tatawag baka.."

"Hindi. Hindi." I cut him off. "Perfect timing nga yung tawag mo kasi bagot na ako at wala na akong maka-usap."

"Ah ganun ba. OK. Buti naman. Akala ko kasi nakakaabala ako."

"Ano bang sasabihin mo at napatawag ka?"

"Magso-sorry sana ako sayo." Huh? Bakit?

"Sorry? Why?" Nako baka naman may ibang babae 'to uupakan ko 'tong hayup na 'to!

"Kasi.. diba hindi masyadong mataas yung score ko sa exam, hindi tuloy tayo ang nabigyan ng prize ni Sir. Nahiya lang ako sayo kasi deserve mo yung prize pero hindi ko yun nabigay sayo."

Awwwwwww. Adrian. Always the thoughtful guy.

"Ano ka ba? Mataas ang score mo at masaya ako dun. Masaya na ako at nakapasa ka at nakatulong ako sayo. Tsaka wala lang sakin yung prize na yun. Hindi ko naman alam na may ganun e. And mas deserve nila Paul at Vince yun dahil from rugs to riches ang tutorial story nila." Narinig ko syang tumawa mula sa kabilang line. I miss his laugh. Kahit kanina lang magkasama kami sa school.

"Pero kapag niyaya ba kitang mag-date rin, OK lang sayo?"

"Kapag sinabi ko bang hindi may magagawa ka ba?"

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon