Chapter 41 : Spasms & Heartbeats

2.1K 79 10
                                    

##Chapter 41 : Spasms & Heartbeats##

>Paul’s POV<

“Paul.” Narinig ko ang boses nya sa likuran ko.

“Vince?” Paglingon ko sa likod, wala. Pero nagulat ako sa nakita ko. Bakit nasa garden ako? Garden ba ‘to o paraiso? Sobrang ganda. Ang dami-daming bulaklak. Paano ako napunta dito? Nasa school gymnasium ako, right? Wala akong maalala. Bakit wala akong maalala na pumunta ako dito?

Panaginip ba ‘to? Patay na ba ako? Wait. Hindi ako pwedeng mamatay sayang naman ang beauty ko.

“Paul.” Tinawag na naman nya ako. Lumingon ako sa paligid, wala pa rin. Niloloko ba ko ng isip ko o nababaliw na ako?

“Huwag mo kong lokohin, Vince. Alam kong ikaw yan.”

“Vince?” May nagsalita ulit sa likuran ko. This time ibang boses na. And this time nakita ko ang nagsalita. “Ummm.. Kline?”

“O? Bakit parang nagulat ka?” Naka-formal wear si Kline sa hindi ko alam na dahilan. Naka-all black sya na formal attire na bagay na bagay sa kanya. Na-accentuate ang brown nyang mata at high cheek bones nya. Sobrang gwapo ni Kline. I remember the first time na magkakilala kami. Noong nakita ko sya, nalaglag talaga ang panga ko. Matagal-tagal rin bago ko napulot yung nalaglag na pangang iyon. Hindi rin ako masyadong nagulat noong nalaman ko na fashion model sya at nakabalandra ang napakalaking picture nya sa isang sikat na boutique sa mall.

“Akala ko kasi si -”

“Paul?” Hindi na ako pinatapos ng isa na namang boses mula sa likuran ko. This time, boses na ulit iyon ng unang tumawag sa akin. Paglingon ko sa likod, naroon si Vince. For a reason I do not know, naka-ayos rin sya. Halos pareho sila ng suot ni Kline pero nagkakaiba lang sa pagdadala. Vince has this unique image that is placed between bad boy and boy-next-door. Kahit disaster ang una naming pagkikita, (and not to mention, nakakunot ang noo nya at muntik na nya kong patayin sa tingin nya) napansin ko na ang kagwapuhan ni Vince at hindi ko napigilang i-admire ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na someone like him would fall for me. Maganda lang naman ako. What?

“Uhhhh..?” Naguguluhan ako sa nangyayari. Anong ginagawa ko sa paraisong ito at bakit nandirito sila Vince at Kline?

Nasa gitna nila akong dalawa at palipat-lipat ang tingin ko. I saw both of them extend their hand as if waiting for me to take it.

Apparently, this is a crossroads. If I take one, I’ll reject the other. If I leave one, I’ll run away with another.

“Paul.” Sabay nilang binigkas. I can feel my rapid breathing. I can hear every beat of my heart beginning to race.

Itinigil ko ang pagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa at ibinaling ang paningin ko sa view. This place is beautiful. Nasa taas ba kami ng burol? Well, this is certainly na most beautiful hilltop I’ve ever seen.  Kitang-kita sa horizon ang paghalik ng araw sa lupa na tila ba magkadugtong ang mga ito. The orange rays of the setting sun kissing the evergreen earth is simply breath-taking.

The surroundings helped me clear my mind. I took a deep breath and relaxed my nerves.

I faced the guy I’ve chose, took his hand and then, I saw the light.

>Vince’s POV<

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon