Chapter 35 : Clash Of The Egos

2.3K 82 7
                                    

##Chapter 35 : Clash Of The Egos##

>Paul’s POV<

“Sabi ko naman sayo magiging OK ang lahat e.” Hawak-hawak ni Vince ang kamay ko habang nasa kotse nya kami. Pagkatapos naming mag-dinner na family (ambisyosa ako), I decided to go home na. Gabi na rin kasi. Well, syempre hinahatid ako ng driver ko. CHAR! Syempre, hinahatid ako ni Vince dahil ayaw nya akong mag-commute dahil baka ram mapahamak ako(ayoko rin kasing gumastos).

“Sabi mo? E halos himatayin ka sa nerbyos kanina.”

“Huh? Hindi ah.” Hay. Mga lalaki talaga. They don’t want to show any vulnerability. They always want to be the tough one.

The ride was peaceful. Both physically and emotionally. OK na kasi kami sa mga parents ni Vince. I like the fact na hindi sila completely sumasang-ayon sa desisyon namin pero hindi rin naman sila nagdi-disagree. Mas maganda yon. Kesa naman magpanggap sila na tanggap na nila ang lahat kahit hindi naman. Sabi naman nila Tito at Tita (they insist na ganoon na daw ang itawag ko sa kanila kesa daw Mr. and Mrs. Martinez), bigyan lang daw namin sila ng time, masasanay rin daw sila sa ganitong set-up. OK rin naman kami doon ni Vince.

Kapag minamadali ang mga bagay-bagay, minamadali mo rin ang pagkasira nito.

“So.. here you are.” Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng pamamahay ko.

“Thank you.” Bumaba na ako sa kotse nya pero nagulat ako dahil bumaba rin sya. “O? Bakit ka bumaba?”

“Bakit? Masama bang kamustahin sila Tito at Tita?” I have to say, naging close na nga si Vince sa mga parents ko. Minsan nga, kapag pumupunta si Vince nitong nakaraang linggo, feel ko, mas masaya pa ang mga magulang ko na makita sya kesa makita ang magandang anak nila.

“Hindi naman.” Hindi naman talaga ako aangal. Mas gusto ko nga ito e. Makakasama ko pa si Vince. Kahit buong araw na kami magkasama, gusto ko pa rin. I can’t get enough of him.

So, sabay naming binagtas ang maikling lakarin papunta sa pintuan namin. At any other day, sa mga ganitong oras, tahimik ang bahay ko. Malamang kasi, kung hindi nanunuod ng TV ang parents ko ay natutulog na sila. Pero ngayong gabi, medyo maingay ang bahay namin.

Bakit parang ang ingay naman ata ng mga magulang ko? Baka may pinapanuod na naman silang teleserye at sinasagot nila ang mga characters. Madalas nilang ginagawa iyon. Naririnig daw kasi sila ng mga umaarte at mahalaga daw ang desisyon nila sa flow ng storya.

Pagkabukas namin ng pinto. Unang tumambad sa akin ang tatlong taong nag-uusap. Nagtatawanan na parang magkakaibigan.

Si mama, si papa, at si..

“Kline?”

>Vince’s POV<

Anong ginagawa ng kumag na ‘to sa bahay nila Paul?

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Paul. Obviously, hindi nya ineexpect ang bisita nya. By the looks of it, mukhang kanina pa naghihintay ‘tong kumag na ‘to. Anong pangalan nya? Kyle? Klyde? Pwe. Wala akong pakialam. Ang pangit ng pangalan nya.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon