Chapter 54 : Supermarket Spree

331 15 11
                                    


Andy's POV

"Sino ba kasi nagsabi sayong sumama ka sakin mamalengke?"

Nandito kami ni Marvin na hudas sa supermarket, namimili nang kung anu-ano. Inutusan ako ni Mommy mag-grocery dahil di nya pinagkakatiwalaan ang kuya ko sa pera. 

And yes tama ang narinig nyo. Kasama ko si Marvin. Ewan ko naman kasi dito, every time na bibisita sya samin, may gagawin ako. Paano ba naman? Pupunta nang walang pasabe. Bigla-bigla na lang susulpot.

"Bakit masama bang samahan kita?" Mapang-asar nyang sabi. Kahit kalian napaka-childish talaga ng mga sagot nitong mokong na to. Hindi naman sa ayaw ko syang kasama. Ang akin lang, baka ma-aatch ako EME.

"Hindi naman," tulak tulak ko ang cart namin. Ako ang nagtutulak kasi nung hinayaan ko syang magtulak kanina, nasagi nya ung isang bote ng ketchup sa kakulitan nya.

"...ang likot mo lang kasi."

Habang sinasabi ko yun, si loko nag juggle ng mga adult diapers. Diba? Isip-bata.

"Huh?" Tanong nya sakin pagkalingon. Grrr hindi nya pala ako narinig.

Minabuti ko na lang na intindihin ang listahan ko ng groceries. Napakasystematic ng nanay ko. Nilagyan nya talaga ng maliit na checkbox ang mga 

Eggs. Full cream milk. Butter. Check.

Garbage bags. Dog food. Paper Towels. Check.

Energy Drinks ni Kuya. Mogu-Mogu ko. Check.

"Mukhang nabili naman na natin lahat ng nasa listahan ko..." basically nagsasalita lang ako sa hangin dahil nawawala na yung kasama ko.

Nasaan na naman un napunta? Hay nako bat ka ba kasi pumatol sa isip-bata, Andy!

Tulak-tulak ko pa rin ang cart na hindi naman ganoon kabigat pero malapit na mapuno. Naiinis ako kasi super hirap nyang itulak dahil humihinto hinto ung gulong sa likod. Ang bagal ko tuloy maglakad.

Nakita ko si Marvin sa tabing aisle, medyo dulo at may pinaglalaruan na namang kung ano.

Lumapit ako at mas mabilis sana akong nakakagalaw kung hindi matigas tong bwisit na gulong ng cart.

Habang papalapit ako, narealize ko na maliit na blue box lang pala ung tinitignan ni Marvin.

Pinalo ko sya ng eco bag sa braso, "Oh ano na naman yan?"

Pinakita nya sakin ung maliit na box na hawak nya. Sobrang lapit ng box sa mukha ko.

"Condoms," casual nyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon na lang ulit ako nakakita noon. "Eh..."

"Oh, himala natahimik ka."

Pinalo ko ulit sya ng eco bag sa braso, this time mas malakas, "HEH TIGILAN KO MO!"

Hinagis nya ung box of condoms sa loob ng shopping cart.

"Oh bat sinama mo yan?" Narealize kong ang lakas pala ng boses ko at baka sabihin ng mga ibang customers na nag-eeskandalo ako.

"Bibilhin ko yan para may magamit tayo."

Ramdam kong nag-init ang katawan ko at alam kong napapansin nya.

Narinig ko na lang na bumulong sya sa kanan kong tenga, "Namumula ka ata..." Hindi ko alam bakit di ako makapagsalita o makagalaw. "...gusto mo ba?"

Matapos ang 2 segundo e nagising na ako sa ulirat.

Hay Marvin, two can play this game. Hindi ako ang inosenteng bff ko nas si Paul.

Ako si Andy, ang bida kontrabida. Ang babaeng marangal. EME.

"Marvin... kaya ko. Ikaw? Kaya mo ba?"

Napansin kong nagulat sya sa seryoso kong tono. Hindi nya siguro magets kung totoo ba yun o biro.

Lumapit ako lalo sa kanya at hinawakan ang kanang bahagi ng dibdib nya, "Oh ikaw naman ata ang natahimik."

Kala nga papatalo ako ha.

Lumapit ako sa sa mukha nya at bumulong...







"Muhang kulang pa yang condoms na nilagay mo. Kuha ka pa ng isang box."

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon